Chapter 36

14.8K 269 22
                                    

Chapter 36

KAHIT medyo masakit ang ulo ay pinilit pa rin ni Natasha na idilat ang mga mata.

"Hey, she's awake!"

Kunot-noong napatitig siya sa mukha nina Tayrah at Paige na nakatayo sa harapan niya.

"Guys?" bungad niya. Hindi niya alam kung paano nasa harapan niya ngayon ang mga ito.

"Hey, Natasha. Kamusta ka?" tanong ni Tayrah.

"I-Im dizzy. Teka–"

Bigla siyang napabangon sa kama ng makitang nakasuot ng eleganteng hanging gown ang mga ito.

"What the hell!" bulalas niya ng mapag-alamang nakasuot rin siya ng gown. An ombre bridal gown with shades of sky blue!

Nagtatakang tinignan niya isa-isa ang mga kaibigan. "A-anong–"

"Shut up! I know you love this too," putol ni Paige sa kung ano man ang sasabihin niya. Yumukod ito at pinasuot siya ng wedge sandal. Si Tayrah naman ay may kinuha sa drawer. At nanlaki ang mga mata niya dahil pag-balik nito ay may dala-dala na itong wedding bouquet at inabot ito sa kanya.

Wala siyang ideya sa kung ano ang nangyayari. Kung paano siya nakarating sa kinalalagyan niya ngayon ay hindi niya alam. All she remembered was that she was kidnapped in front of her studio in New York. Tapos pagkagising niya nakasuot na siya ng bridal gown? Putik! Anong kalokohan 'to?

"C-can someone explain what the–"

"Tsk, halika na nga!" Bigla siyang hinila ni Paige palabas ng kwarto at dinala sa kung saan.

Teka, white sand ba 'tong tinatapakan ko? Omo, white sand nga! anang isip niya.

Then she heard water crashing against the rocks in the distance and seagulls squeaking overhead. And there, she saw the calm, blue sea not so far from where she was walking.

"Paige, bakit tayo nasa beach? Why am I wearing this?" Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Gano'n din si Tayrah habang bitbit ang laylayan ng gown niya.

"Paige, where are you taking–me..."

Natigil siya sa paghinga ng makitang nakatayo na siya sa dulo ng isang aisle. Hindi na rin niya alintana ang ganda ng lugar dahil mas okupado ng lalaking nakasuot ng white tuxedo habang nakatayo malapit sa magandang mini-altar ang buong atensyon niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang bouquet ng bumulong si Paige sa kanya.

"Happy wedding day, Nat," anito sabay layo.

Ng magsimulang tumugtog ang pianist ng napaka-romantic na background music ay nahigit niya ang hininga. It seems that she was in a fairytale. The place, the atmosphere, the man she loved were all part of a romantic paradise.

Oh, God. This is real, right? tanong ng isipan niya.

Lumunok muna siya ng maka-ilang beses bago dahan-dahang humakbang.

The fresh air expanded softly on her lungs while the soft melodious music made the mood bright for her.

Bumaling siya sa kanan niya at nakita niya si Elle at ang mama niya na nakatayo habang masayang nakatitig sa kanya. Mga kaibigan niyang tila kilig na kilig habang naglalakad siya sa gitna. Hindi rin nakawala sa kanya ang masasayang mukha ng mga kaibigan ni Treece.

LPS: Wild Obssession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon