Chapter 29
HALOS lahat ng mga tao sa first class restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Treece ay hindi mapuknat ang tingin sa kanilang dalawa. Pero hindi na lamang niya iyon pinansin. Mas okupado ng lalaking kaharap ang puso't kaluluwa niya sa gabing iyon.
Matapos mailatag ng waiter ang mga in-order nila ay kaagad din itong umalis.
"Ilang babae na ba ang nadala mo dito?" tanong niya habang nagsisimula ng kumain. "Maganda ang lugar. Napaka-romantic. Kahit sinong babae, hihilingin na dito sila dalhin ng mga nakakadate nila."
The place is luxurious. It has a refreshing red and white color palette, banquettes, and the freshest flowers are all mainstays of the look.
He sipped his wine first before he threw a serious glance at her. "Ikaw pa lang ang dinala ko sa lugar na 'to. Nagustuhan mo ba?"
Hindi makapaniwalang tinignan niya ito. "A-ako pa lang? Seryuso?"
He shook his head. "Masyadong espesyal ang lugar na 'to para pagdalhan ko ng kung sinu-sino lang. While I'm still planning to build a company here after I decided that I'm not going back to Spain, this place first captured my attention and, way back then, I swore to myself, na babalik lang ako dito if I finally found the girl that is truly special to my heart."
Her heart skipped a beat. Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga puntong 'yon. Para siyang maiiyak, na matutuwa, na matatae, na ewan dahil sa mga narinig niya.
Inabot nito ang kamay niyang naninigas at hinawakan ito.
"You're special to my heart, Nat. That's why I drew you here," aniya sa malamlam na boses habang malamlam ding nakatitig sa kanya.
Shit! Talagang kunti na lang sasabog na siya sa subrang kilig.
"I–Ah–" Ano ba 'yan. Ba't wala akong masabi? Anang likod ng tinig niya.
A soft, melodious music suddenly played in the background. Nakita niyang unti-unting nagsisitayuan ang ibang mga lovers at pumuntang gitna para makipagsayaw sa kani-kanilang mga partners.
Kinakabahan na napatitig siya kay Treece at nakita niya ang dahan-dahang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi nito.
Good gracious. Is he going to invite her to have a dance with him together with the others who are currently swaying romantically to the rhythm of the sweet music? Sana nga!
"Natasha..." Mas lalong nagkabuhol-buhol ang mga internal organs niya ng tumayo ito at inilahad ang kamay sa harapan niya. "can I have this dance with you?"
Oh, my lovely life. Hihindi pa ba siya?
"Yes!" masigla niyang sagot sabay lagay ng palad niya sa palad nito.
Iginiya siya nito sa gitna. Kaagad pumalibot sa baywang niya ang mga kamay nito at bahagya siyang hinapit palapit dito. Kagat-labing idinantay naman niya ang mga kamay sa magkabila nitong balikat.
His signature scent really drives me insane. At dahil ilang inches lamang ang layo ng katawan niya kay Treece ay matinding nanunuot sa kanyang ilong ang mabangong amoy nito na ikinatuyo naman ng lalamunan niya.
"Sigurado ka ba na espesyal ako sayo? Walang halong ka-echosan?" usisa niya dito.
"Kung sasabihin ko bang unang kita ko pa lang sayo ay na-attract na 'ko agad sa kagandahan mo na pilit ko namang dini-deny sa sarili ko no'n ay maniniwala ka ba?"
BINABASA MO ANG
LPS: Wild Obssession (Completed)
RomanceWARNING: SPG/Mature-Content Teaser From the minute she tasted his lips and body, Natasha became obsessed with Treece Arcane Faustus, one of the hottest bachelors and businessmen in the corporate world kaya lahat ginagawa niya para lang mapansin ng b...