Chapter 22 (SPG)

19.6K 308 10
                                    

Warning: The following contents of this part is rated SPG. Read with discretion

Chapter 22

HABANG nasa sasakyan ay hindi magkamayaw sa pagtibok ng malakas ang puso ni Natasha. She also felt butterflies waving on her tummy.

Tinignan niya si Treece na prenteng nagmamaneho at ang tingin ay nasa kahabaan ng daan.

Na-aamoy rin niya ang luxury perfume nito na mas lalong nagpabuhol-buhol ng mga intestines niya sa tyan.

"W-why?" She broke the silence.

Tumingin ito sa kanya. "I told you my reason already," toneless nitong sabi at ibinalik na nito sa daan kaagad ang tingin.

"Sabi mo kapag lumabas ako ng gate ay hindi na 'ko makakabalik kahit na magmakaawa man ako sayo but here I am inside of your car again. Heading back to your house," mahina niyang sabi habang ang tingin ay nasa lap niya.

Narinig niyang bumuntong-hininga ito.

"I-I don't know what got into me. Basta ng malaman ko kay Tayrah ang tungkol sa paglabas mo, or should I say sa pagtakas mo sa mansyon ay hinanap kaagad kita kahit busy ako sa opisina."

Nahimigan niya ang kahinahunan sa boses nito at ang pag-aalala. Akala pa man din niya ay babanatan na naman siya nito ng isang nakakabinging sigaw dahil sa ginawa niya, pero hindi. Mabait ito sa mga oras na 'yon. At medyo nakaramdam siya ng hiya dahil inabala't pinag-alala pa niya ito. Pero sa likod no'n ay lihim siyang nagpasalamat at natuwa. Knowing he cared for her is truly a miracle.

"P-pasensiya ka na-"

"No," agap nito. "I should be the one to say sorry."

Kaagad siyang napa-angat ng ulo dito.

"Sorry about what I said to you last night. I know it causes you so much sting. That's why you leave. Well, hindi ko masasabing hindi ko sinadya 'yon, but I think I hit you below the belt and I should be the one to blame. So, here I am. Asking for forgiveness," he said in a plummy voice.

Nakita niya ang senseridad sa mga mata nito, kaya para siyang maiiyak na matutuwa na ewan.

Halo-halo ang nararamdaman niya, pero mas nanaig sa puso niya ang saya at dahil doon ay hindi na niya napigilan pa ang pagtulo ng iilang butil ng mga luha na dali-dali naman niyang pinunasan.

Tears of joy ika nga nila. At walang pagsidlan ang sayang nadarama niya ngayon.

Paanong hindi eh lahat na yata ng mababagsik na salita ay naranasan na niya mula dito, kaya hindi talaga niya inaasahan na hihingi ito ng kapatawaran sa kanya na iniisip niyang pinakahuli nitong gagawin sa lahat. Halata naman kasing ma pride at mataas ang ego ng isang 'to. Pero isinantabi muna nito ang mga iyon kaya nagawa nitong humingi ng tawad sa kanya.

Malaking-malaki na nga talaga siguro ang butas ng ozone layer, kaya naman naisipan nito na baguhin na ang nakasanayang treatment sa kanya at maging mabait na para sa gayun, kung oras na ng taghukom ay hindi mangingimi si Lord na gawin itong anghel.

"I'm sorry," anito na mas lalong nagpa-agos ng mga luha niya.

"O-okay. Apology accepted," aniya at bahagya pang nautal dala na rin ng bugso ng damdamin.

LPS: Wild Obssession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon