Nagprobproblema si Apple sa kanyang ina dahil kailangan itong maoperahan sa sakit niya para di ito lalala sa kanyang katawan. Tatlo na lamang silang natitira sa kanilang pamilya at ulila na siya ng ama dahil namatay ito sa aksidente. Ang kapatid nya naman na bunso ay nag-aaral pa rin at ayaw pa niyang mamatay ang kanyang ina dahil mahal na mahal niya ito. Mahirap ang buhay na kinagisnan niya at sa awa ng diyos ay napagtapos siya ng kanyang ina sa isang vocational na kurso lamang pero di kailanman siya nag-apply dahil ayaw niyang mawalay sa kanyang pamilya bagkus ay tumulong na lang ito sa panininda sa palengke. Mula pagkadalaga niya ay hindi niya kailanman naranasan ang magkaroon ng nobyo dahil wala siyang panahon para dito. Maganda naman siya, medyo matangkad at may morenang kutis. Maraming nanligaw sa kanya pero di niya ito pinagtutuunan ng pansin hanggang magsawa ang mga manliligaw nito.
"O parang biyernes santo ang mukha mo ah" komento ni Betsy sa kanya.
Kasalukuyan na nasa palengke siya kasama nito.
"May problema ka ba?" tanong ulit ni Betsy. Ito ang matalik niyang kaibigan mula elemantarya siya at nakapagtapos ng BSBA at nagtratrabaho sa maynila sa isang kompanya at nagbaskasyon lamang ito sa kanilang lugar ngayon.
"Kwan kasi best, may sakit si nanay at kailangan siyang maoperahan sa madaling panahon" malungkot niyang pahayag.
"Ganun ba best at kailangan mo ng pera? "
Tumango na lamang ito.
"Matutulungan kita diyan best"
"Talaga best"
"Oo, tamang-tama naghahanap ng yaya yung boss namin. Kung gusto mo pwede kitang irekomenda sa kanya" wika ni Betsy sa kanya.
"Pero best alam mo naman na-" pinutol niya ang kanyang sasabihin dahil nagsalita ulit ito.
"Hwag mo nang palampasin ito best. Malaki ang sweldo at tiyak na makakaipon ka ng malaking halaga para sa operasyon ng iyong ina" paliwanag niya.
"Pag-iisipan ko muna best"
"Sige best at itext mo na lang ako pag gusto mo kasi bukas ay babalik na ako sa maynila"
Tumango na lamang siya at nagpa-alam na si Betsy na uuwi na siya sa kanilang bahay.
Pagdating ni Apple sa kanilang bahay ay nag-iisip siya sa sinabi ni Betsy sa kanya. Tama si Betsy. Malaking tulong ang iminumungkahi nito sa kanya. Maya-maya ay kinausap niya ang kanyang ina.
"Talagang di ka ba nila mapipigilan" sabi ng kanyang ina.
"Nakapagdesisyon na po ako nay"
"Sige anak kahit man ayaw ko ay alam kong ginagawa mo to para sa amin"
Matapos niyang kausapin ang kanyang ina ay ipinaalam niya ito kay Betsy ang kanyang desisyon. Kinausap niya rin ang kanyang kapatid na si Cherry tungkol dito at sinabi niyang di muna siya mag-aaral para bantayan niya ang kanilang ina.
Masakit para kay Apple na iiwan niya ang kanyang pamilya sa unang pagkakataon pero gagawin niya ito para sa kanila. Pumunta na siya sa kanyang kwarto nila Cherry at sinimulan na niya itong mag-impake ng kanyang damit dahil luluwas na sila ni Betsy papuntang Maynila.
"Ate mag-iingat ka ha" wika ni Cherry sa kanya na at tumulong ito sa pag-iimpake ng kanyang gamit.
"Huwag kang mag-aalala kasi kapag nakaipon na ako ay babalik ako dito"
"Kaya alagaan mong mabuti si inay ha.Alam kong masakit para sayo na hindi ka mag-aaral pero konting tiis lang naman ang kailangan at mag-aaral ka ulit"
Napaiyak si Cherry sa mga sinabi ng kanyang kapatid. Alam niyang masakit din sa kanyang ate ang gagawin niya pero para naman sa ikakabuti ng pamilya ang gagawin niya.

BINABASA MO ANG
A Substitute Wife
Teen FictionPumasok si Apple bilang yaya ng anak ni Christian na iniwan ito ng kanyang asawa ng halos limang taon ang nakakaraan. Di nagtagal unti-unti siyang umiibig dito at isang gabi ay umamin si Christian na mahal din niya ito at agad naman niyang sinagot...