Fourth Chapter

16.3K 444 11
                                        

Kinaumagahan, nagpahatid si Apple kay Mang Nestor sa pagpadalhan ng pera at ipinadala nito ang nahiram  niyang perang sa kanyang amo at itinext niya kay Cherry ang control number. Nagtaxi na lang ito pabalik sa bahay nina Christian.

Nang dumating siya, nakita niyang nakasuot ng beach short si Christian at may dalang basket habang si Eugene ay ganun din ang suot. Weekend kasi ngayon kaya walang pasok yung dalawa.

"Yaya, lets have a piknik" tuwang-tuwa na sinabi ni Eugene sa kanya. 

"Sige na magpalit ka na ng damit mo at kukuha ka na rin ng susuotin" utos ni Manang Elsie sa kanya habang inaayus nya ang mga daldalhin nila sa piknik. Agad siyang nagpalit ng damit at bumalik din sa kinaroroonan nila.

"Sige...lets...go.. " masungit na utos ni Christian

"Paano sina Manang Elsie?" she  asked.

"Dito na kami para magbantay sa bahay" si Manang Elsie ang sumagot.

Pumasok na siya sa loob ng kotse at tumabi itong umupo kay Eugene sa backseat. Umupo na rin si Christian at pinaandar ang sasakyan.

"Bakit naman naisipan mo ito?" tanong niya.

"Gusto ko lang aliwin si Eugene. Sinabi niya kasi na gusto niyang mamasyal kaya ito ang naisipan ko" paliwanag naman ni Christian sa kanya. Hindi lang siya umimik pa. Tumingin na lang siya sa bintana at pinagmasdan ang gusaling napapadaanan nila.

Nung nasa byahe sila di maiwasan ni apple ang mag-isip. Wow! tatlo lang kaming magpiknik. Parang one happy family piknik. Ambisyosya dikta ng isip  nito kaya di niya mapigilan ang ngumiti.

"What are you smiling for?" sungit na tanong ni Christian sa kanya.

"Ah...wala...po...sir"

Nagpatuloy pa rin ang paglalakbay ng kanyang isipan pero biglang nagpreno si  Christian na muntik siyang maunpog sa kinauupuan nito.  Buti na lang at nahawakan niya ang likod ng front seat.

"Are you alright?" worried na tanong ni Christian sa kanila.

"Opo...sir" kinakabahan niyang sagot.

Napatingin siya sa labas at nakita niyang  may biglang sumulpot na motor sa daanan nila na dahilan ng biglaang pagpreno ni Christian. Pagkatapos  ng insidenteng iyon ay dere-deretso na ang  kanilang byahe.

"Were here" deklara ni Christian.

Lumabas na sya at pinagbuksan nya ito ng pinto.

Napansin niyang tuwang-tuwa si Eugene. Tumalon-talon pa ito sa buhangin.

"Baby, dahan-dahan lang" sabi niya sa bata.

Kinargo na ito ni Christian at binuhat papunta sa isang cottage. Siya naman ay pumunta sa likod ng kotse at kinuha niya ang mga baon nila doon.

Limang malalaking lunchbox ang dala nila. Isang box ay may laman na kanin yun tatlo naman na box ay naglalaman ng kanilang ulam at yung isa ay desert o pangmeryenda nila. Binuhat niya ito at nagtungo na rin sa kinaroroonan ng mag-ama.  Inilagay niya lamesa ang mga bitbit niyang gamit at umupo ito.

Tinanaw niya ang asul na dagat sa di kalayuan. Napansin niyang napakaganda ang public beach na yun. May sampung cottage na nakatayo dun at libre pa ito. Marami din ang mga tao dun at halos lahat ay magpipiknik at halos lahat ng cottage ay punong-puno. Ang ibang cottage napan na na-okupahan ay mga nag-iinuman o di kaya'y nagparty-party.

"Ang ganda dito" wika niya.

Lumingon sa kanya si Christian na nakasuot ng sunglasses kay di niya mapansin masyado kung seryoso bang nakatitig ito sa kanya.

A Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon