Hinihintay ni Apple na makababa si Eugene sa sala at papunta nyang bantayan sa kanyang eskwelahan. Nauna ng umalis si Christian papunta sa kanyang trabaho. Inihatid sila ni Mang Nestor, ang family driver, sa school nina Eugene.
Talak siya ng talak sa loob ng kotse pero dedma lang ang mga kasamahan nito hanggang nakarating sila sa Kingston Academy na doon nag-aaral si Eugene sa kanyang grade 1.
Pumasok na si Eugene sa room nila habang hinihintay niya ito sa kiosk sa harap ng room nila. May mga nakaupo din na tatlong babae. Tumingin yung medyo matabang babae sa kanya. Ni head to foot pa nya ito bago sya nagsalita.
"Bago ka lang dito?" she asked.
"Ah oo" tipid nyang sagot.
"ako pala si MJ" sabay lahad ng kanyang kamay.
Tinanggap nya naman ito at sinabi rin ang pangalan nito.
"Ganda ng name mo ah. Bagay sayo. Maganda ka" sabi ni Mj sa kanya sabay ngiti. Ginantihan din naman nito ang ngiti nya.
Marami ng pumuri sa kanya tungkol sa taglay nitong kagandahan. Maylahing banyaga kasi ang mga magulang niya kaya dun siya nagmana.
"Sino naman ang inaalagaan mo?" tanong nito
"Ah si Eugene mae Bautista"
"Yung anak ni Mr. Christian adonnis?"
"Oo"
"Ang swerte mo girl. ang gwapo nun di ba?" sabay kilig epek pa.
"Ah...oo" sang-ayon nya na lamang.
Sa totoo kapag iniisip rin nya si Christian ay di rin niya mapigilan ang mapahanga sa kanyang kagwapahuhan.
Halos umabot sila ng apat na oras na nag-usap si Mj. Kung ano-anu ang kinukwento nya na nagpapatawa sa kanya.
Tumunog na ang bell ng paaralan. Hudyat na tapos na ang klase ng mga bata. Half day lang kasi ang klase ng mga bata. Pumunta na sila ni Mj sa pintuan ng room ng mga bata at hinintay nila na makalabas ang mga alaga nila.
Sabay-sabay din silang lumabas sa campus ng eskwelahan. Nagpaalam na si Mj sa kanya at sila naman ay pumasok na sa loob ng kotse at umuwi na.
Pagdating sa hapon ay magkwekwento muna si Apple bago patulugin niya ang kanyang alaga. Kapag tulog na ito ay saka lang siya aaalis at pupunta sa baba.
"Buti at ang ang bait ni Eugene" wika niya kay Manang Elsie. Kasalukuyan silang naglalaba.
"Aba oo, at di lang yan madali siyang turuan"
"Oo nga" wika niya.
"Ako na ang magsampay ng mga ito" bolontaryong sabi niya.
"O sige at bahala ka na diyan" sabi naman sa kanya ng matanda at pumunta naman ito sa loob ng kusina.
Siya naman ay piniga niya ang mga damit at ito'y kanyang isinampay. Ng matapos na ito ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay at nanood at ng siya ay magsawa ay pumanhik na ito sa taas at natulog muna.
Isang buwan na ang nakakalipas at napansin ni Christian na maganda naman ang serbisyo ni Apple. Magaling syang mag-alaga ng bata at close agad sila ng kanyang anak.
Minsan lang naprapraning sya pag tinitignan nya nito kaya nagtataka siya. Tinanong pa nga niya si Manang Elsie tungkol sa ikinikilos nito pero sabi ng huli ay di naman sya ganun pag wala siya.
Itinuloy na lamang niya ang pagbabasa sa mga papeles nang maisipan niyang ipatawag si Betsy. Ilang minuto lang ay dumating na ito.
"Good afternoon sir, pinapatawag nyo daw ako"

BINABASA MO ANG
A Substitute Wife
Novela JuvenilPumasok si Apple bilang yaya ng anak ni Christian na iniwan ito ng kanyang asawa ng halos limang taon ang nakakaraan. Di nagtagal unti-unti siyang umiibig dito at isang gabi ay umamin si Christian na mahal din niya ito at agad naman niyang sinagot...