Twelfth Chapter

14.3K 251 3
                                    

Matapos ang ilang araw ay nakalimutan na rin ni apple ang tungkol sa sulat. Isang umaga ay nahihilo sya at patakbo syang pumunta sa lababo ng kusina at nagsusuka.

"oh apple may sakit ka ba? " sita ni manang elsie nung napansin syang nagduduwal ito.

"wala naman manang"

"kung ganun bakit ka nagsusuka? at umagang-umaga pa naman"

"bigla kasi akong nahihilo kanina"

"ganun ba? hindi kaya buntis ka? siguro iha ay magpatingin ka sa doktor at malaman mo kung buntis ka o hindi"

Tumango na lang si apple bilang pag-sang-ayon.

Sa hapon ay nagpunta si apple sa drugstore at bumili ng pregnancy test kit. Nung makarating sya sa bahay ay agad syang nagderetso sa banyo at sinimulan na nya ang panuto sa pregnancy test. Linagyan na nya ng ihi at kit at maya-maya nagpakita ang resulta nito.

...paano ko sasabihin kay christian to?..na buntis ako...bulong ng kanyang isipan.

Kinabukasan ay nakita ni christian si apple sa terasa ng bahay na nagpapahangin.

"hon, sabi ni manang elsie nagsusuka ka daw kahapon. May sakit ka ba?" tanong ni christian sa kanya..

"kwan kasi...I'm...pregnant"

"what? you're pregnant...yes" at napalundag lundag pa ito sa tuwa.

"kung ganun hon, nextweek ay magkakaroon tayo ng baby shower party" dagdag nito.

Matapos sabihin ni apple na buntis sya ay natuwa lahat ng kanyang kasama sa bahay. Lahat sila ay excited para sa baby. Si christian naman ay busy syang nagpapahanda sa party sa Saturday. Tinawagan nya rin ang kanyang mga kaibigan at pati na rin ang magulang ni apple at ipinaalam ang tungkol kay apple.

Ibinalita ang taong binayaran ni Yvonne sa kanya ang tungkol sa party na magaganap sa bahay nila Christian sa sabado. Napangiti siya sa kanyang nalaman.

"ito ang na siguro ang tamang panahon para sila ay maging malungkot" bulong nito sa kanyang sarili. Nag-isip siya ng plano at ng makaisip na ito ay bigla siyang tumawa ng malakas. Kinakailangan na ihanda niya ang kanyang sarili para sa kanyang plano. Naisip niyang malapit na niyang makaganti sa mga taong kinamumuhian niya.

Matapos ang limang araw dumating na ang araw ng baby shower party. Nagpa-cater na si christian na nag-ayos sa lahat mula dekorasyon hanggang kainan. Maya-maya ay dumating na ang mga bisita para sa party at sinimulan na ang programa.

Pinatawag ng announcer ang dalawa sa harap para magsalita. Kinuha ni christian ang mikropono at sinimulan na nyang magsalita pero may sumigaw sa likod.

"wow, this is amazing" sigaw ng isang boses.

Napalingon lahat ang naroon.

"sophia" sabay na bigkas ng dalawa.

"oh...para kayong nakakita ng multo sa mga itsura nyo" at patawang syang lumakad paharap.

"buhay ka?" biglang tanong ni christian pero tinawanan nya lamang ito.

"well, I think is everybody is happy so there's no need to explain everything" umpisa nya.

"I just come here to take a revenge for what have you done to my sister" sigaw nya at inilabas ang baril sa bag nya at tinutok sa magkasintahan.

"what are you talking? at anong sister?" nanginginig na tanong ni apple.

"because of you bitch, my twin sister died. kung hindi mo lang inagaw ang asawa nya ay hindi pa sya ay  mawawala dito so I will pay you back" galit na kanyang sinabi at ikinasa ang baril tsaka itinutok kay apple at pinindot nya ang gatilyo ng baril at pumailanglang ang nakakabinging tunog ng baril. Nagtakbuhan at nagsigawan ang mga tao. Maya-maya dumating na ang mga pulis at inaresto ang kakambal ni sophia.

A Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon