Pagdating niya sa bahay ay agad niyang inayos ang mga pinamili nito sa kanyang kwarto at bumaba na siya. Nadatnan ko si Manang Elsie sa kusina na nag-aayos.
"Manang may tatanungin ako sana" direktang sabi nito.
"Ano yun" sagot naman ni Manang Elsie.
"Nung namatay ba si Sophia ay nakita nyo mismo yung bangkay?" direktang tanong niya.
Nagulat ang matanda sa tanong niya.
"Bakit mo naman naitanong yan?" tanong rin nito sa kanya.
"Wala lang naman manang at salamat" akmang aalis na siya pero nagsalita ito.
"Oo kitang kita ko ang katawan ni ma'am Sophia nung burol nya" sabi nya.
Lumingon siya sa kanya at nginitian. Inisip niya na lamang na imposible naman na mabuhay pa si Sophia.
Natulog na lang siya para kalimutan ang kanyang nakita habang yung mag-ama naman ay di pa bumalik pero pagkakaalam nito ay may party na dinaluhan nila. Lilipas din ito inisip niya at pinikit na niya ang kanyang mata.
Makalipas ang ilang araw ay nakalimutan din ni Apple ang tagpong iyong. Hindi na rin niya sinabi kay Christian baka lang kasi guni-guni niya yun.
"Hi! hon" bati ni Christian sa kanya nung umuwi itong late sa isang gabi. May pinuntahan daw syang kliyente kaya natagalan sya.
"Hello" ganti rin niya at ngumiti sa kanya. Nasa sala ito na naghintay sa kanya.
"Flowers for you" sabi nya sa kanya at iniabot sa nito ang boquet of roses.
"Salamat" at kinuha naman nito at ngumiti sa kanya.
Pumanhik na sila sa taas pero hinila siya ni Christian sa kanyang kwarto.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Dito ka lang muna" sagot naman nito.
"Eh anong gagawin ko dito?" tanong niya ulit. Di na lang sya umimik bagkus ay ngumiti pa sa kanya.
Umupo si Christian sa gilid ng kanyang kama at tinanggal nito ang kanyang sapatos. Minamasdan naman ito ni Apple habang nakatayo ito sa harap nya. Maya-maya ay tumayo sya at lumapit kay Apple. Tinitigan nya itoo at kinuha at bulaklak sa kamay nito at inilagay sa lamesa na malapit dun.
Tinitigan nya ulit ito at napalunok naman siya. He cupped her face then he uttered the words,
"I love you" at hinalikan siya. Nung una nabigla siya pero di tumagal, she response to his kisses. Binuhat nya ito at inihiga sa kama at sinimulan na nyang tanggalin ang mga damit nila. His body is getting hotter at sa isang iglap nangyari na naman ang pag-iisa nang kanilang katawan.
Kinaumagahan ay nagising si Apple sa yakap ni Christian sa kanya. Bumangon na lang siya at inayos niya ang kanyangtsarili. Iniwan na lamang niya siya si Christian na natutulog pa
Bandang alas dyes ay may nagdoorbell sa bahay. Pumasok na sa kanyang opisina si Christian na abot langit ang kanyang ngiti. Si Eugene ay busy sa panonood sa mga cartoon at si Manang Elsie naman ay naglilinis sa likod kaya si Apple na lang tumingin kung sino yung tao.
Nakita niyang isang delivery boy ang nasa harap ng bahay at inabot ang isang sulat na para sa kanya.
Pumasok siya sa loob ng bahay at pagdating niya sa sala ay agad siyamjg umupo at binuksan ang sobre. Binasa niya ang sulat at "HUMANDA KA!" yun lang ang nakasulat. Nagulat at nagtataka siya kung sino ang sender pero ng tignan niya kung sino ang nagpadala dito ay walang nakasulat na pangalan. Dahil sa pagkainis niya kung sino ang nagpadala ng sulat sa kanya ay tumayo ito at itinapon sa basurahan ang sulat.
BINABASA MO ANG
A Substitute Wife
Teen FictionPumasok si Apple bilang yaya ng anak ni Christian na iniwan ito ng kanyang asawa ng halos limang taon ang nakakaraan. Di nagtagal unti-unti siyang umiibig dito at isang gabi ay umamin si Christian na mahal din niya ito at agad naman niyang sinagot...