Kinabukasan ng gabi ay nakipagkita si Christian sa kanyang matalik na kaibigan na si Vince. Kailangan niyang humingi ng payo dito o anumang tulong niya sa pagkakataong ito.
"Pare, bakit bigla kang nag-anyaya dito?" nagtatakang tanong ni Vince sa kanya. Pumunta sila sa isang bar para mag-inuman. Ngayon lang kasi ulit siya pumunta sa mga ganitong lugar simula nung naging workaholic na siya.
"May problema ka ba?" muling tanong ni Vince sa kanya.
Uminom muna siya ng alak bago niya sinagot ito.
"Talagang meron pare"
"Ano yun?"
"Tungkol sa nararamdamaman ko ngayon" sagot nito.
"Bakit pare may naiibigan ka na ba na naman?"
Hindi muna siya umimik. Iniisip niya muna ang isasagot nito kung aaminin ba niya na sya ay deeply in-love with a woman.
"O bakit tumahimik ka na diyan? akala ko ba pare may pinagdadaanan ka?" sita ni Vince sa kanya.
"Tama ka pare may iniibig ako kaso gusto sanang humingi sayo ng kaunting payo kung paano ko ito sisimulan" paliwanag niya.
Humahakhak ang kanyang kasama at uminom ito ng alak saka inilatag sa lamesa.
"Yan lang ba pare? Ang dali naman ang solusyon niyan. Ligawan mo siya" mungkahi ni Vince sa kanya.
"Yun nga pare pero ang problema kasal pa ako kay Sophia"
"Ay sus pare ngayon palang eh di ipa-annul muna ang ang marriage niyo" suhestiyon na naman ni Vince sa kanya.
"Alam mo pare naisip ko na yan pero wala naman dito si Sophia" muli niyang giit.
"Yan nga ang problema pero mas mabuti siguro kung kausapin mo ang abogado mo tungkol dito" payo ulit ni Vince sa kanya.
Tumango ulit siya hanggang umiba na kanilang topiko hanggang napunta sa kung saan-saan.
Naka-ubos sila ng dalawang bucket ng San Mig light bago nagpaalam sila sa isa't-isa.
"Salamat pare ah" sabi niya kay Vince.
"Walang anuman basta ikaw pare nandito lang ako laging kasangga mo" sabi naman ng kasama niya at sumakay na ito sa kanyang kotse at nauna nang umalis.
Dumeretso na din siya sa kanyang kotse at pinaandar ito. Bandang alas onse na ng gabi nung pumasok siya sa loob ng kanyang bahay. Tahimik na ang buong kabahayan hudyat na tulog na ang lahat. Pumasok na siya sa kanyang kwarto. Naligo muna siya at nahiga ito sa kanyang kama.
Kinabukasan ay agad siyang nagbihis at nagtungo sa kanyang opisina. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang sarili niyang abogado at pinapunta sa kanyang opisina.
Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang kanyang tinawagan.
"Goodmorning Mr. Bautista" bati sa kanya ni Atty. Velasquez na family lawyer nila ito.
"Good morning too Atty. Have a seat" alok niya.
"Salamat. So bakit niyo ako pinaririto? May problema ba ang kompanya niyo?" tanong sa kanya ang attorney.
"Wala naman Atty. pero kailangan ko lang ipakonsulta sayo ang pinagdadaan ko" paliwanag niya.
"At ano naman iyon"
"Tungkol ito sa annullment ng marriage namin Sophia" panimula niya.
"Did you already talk to each other regarding this?"
"Atty. alam mo naman na iniwan kami ng asawa since my daughter was going to one and from that we don't have any communication" paliwanag niya ulit.
BINABASA MO ANG
A Substitute Wife
Fiksi RemajaPumasok si Apple bilang yaya ng anak ni Christian na iniwan ito ng kanyang asawa ng halos limang taon ang nakakaraan. Di nagtagal unti-unti siyang umiibig dito at isang gabi ay umamin si Christian na mahal din niya ito at agad naman niyang sinagot...