"Pare, may ipakilala ako sayo" sabi ni vince sa kanya. Dumalo sila sa isang kasalan ng kanilang katrabahuan kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Brent.
"Sino naman" curios niyang sagot.
"Well, Sophia this is Christian" pakilala ni Vince sa kasamahan nito.
"Hi! " bati naman niya sabay lahad ng kanyang kamay.
"Hello" ganti naman nito at nakipagkamayan sa kanya.
"O ano iwan ko muna kayo ah. Pare ikaw na ang bahala kay Sophia" paalam ni Vince sa kanila at naglakad papunta sa dance floor at nakipagsayawan dun.
Naiwan naman sila ni Sophia sa isang lamesa. Tinignan niya ang dalaga at napahanga ito. Nakadamit ito ng floral blue dress. Mahaba ang kanyang buhok na kulay blonde. Maputi ang kanyang kutis na medyo mabilog ang kanyang mukha.
"Paano kayo nagkakilala ni Vince?" umpisa niyang tanong.
"Barkada ko kasi yung pinsan niya kaya nung nag-birthday yung pinsan niya ay ipinakilala niya sa akin" paliwanag niya.
"Ganun ba. So saan ka nagtratrabaho?" paiba niyang tanong.
"Hah...model ako ng isang clothing line company. Ikaw?"
Kaya pala ang ganda nito napaisip niya.
"CEO ako ng kompanya namin" maikli niyang sagot.
Ngumiti sa kanya ang dalaga at inanyaya niya itong sumayaw.
Simula nung nakilala niya si Sophia ay tinutukso na ito ng mga kaibigan niya na ligawan siya. Pinag-isipan niyang mabuti at ng makapag-isip isip na siya ay talagang linigawan niya ito. Kinuha niya ang numero nito kay Vince at sinimulan niyang kinausap ito.
"Hello" bungad ng boses babae sa kabilang linya.
"Hello" Alanganin niyang sagot.
"Who's this?"
"Si Christian to yung nakilala mo sa wedding party" pakilala niya.
"Ganun ba. Bakit may kailangan ka?" tanong niya.
Di niya alam ang kanyang sasabihin hanggang nakapag-isip ng rason.
"kwan kasi gusto sana kitang imbatahan sa isang dinner date kung free ka mamaya"
"Dinner date? Why?"
Nag-isip na naman siya ng rason.
"dun ko na lang sasabihin kung okey lang sayo"
"Okay pero saan naman yung lugar?"
"Itext ko na lang sayo yung lugar"
"O sigue"
Saka ito nagpaalam sa kanya. Matapos niyang maanyanya si Sophia ay agad siyang tumawag sa isang sikat na restaurant at nagpareserved siya kanilang dinner date setting. Nagparequest din niyang gawin romantic ang lugar at ng matapos siyang makipagtransact sa restaurant na yun ay in-text niya agad kay Sophia ang address ng kanilang dinner date at pangalan ng establistamento.
Alas syete na nang gabi ay dumating siyang maaga sa lugar na kanilang pagtagpuan. Talagang sinunod ng restaurant ang kanyang request. Kulay red ang motiff na may mga balloon na hugis puso at roses ang dekorasyon. Dim light ang paligid at may kandila mja nakapatong sa lamesa habang may tumutugtog na instrumental sa likuran ng kanilang table. Bale private ang ginawa nila kasi special request ang ipinasabi nito.
Makalipas ang limang minuto na paghihintay niya ay dumating na si Sophia. Nakadamit ito ng kulay dilaw. Simple lang damit nito pero fit na fit sa kanyang katawan na balingkitan ang hugis. Dumeretso ito sa kanyang kinalalagyan niya.

BINABASA MO ANG
A Substitute Wife
Teen FictionPumasok si Apple bilang yaya ng anak ni Christian na iniwan ito ng kanyang asawa ng halos limang taon ang nakakaraan. Di nagtagal unti-unti siyang umiibig dito at isang gabi ay umamin si Christian na mahal din niya ito at agad naman niyang sinagot...