Ninth Chapter

14.6K 202 1
                                        

Isang buwan na rin ang nakalipas. Ang daming nagbago. Si Eugene, alam niyang bata pa ang anak  niya pero marunong na syang umunawa. Natanggap nya din ang pagkamatay ng kanyang mommy at ayun itinuring nyang tunay na nanay si Apple.

Nasa sala siya ngayon at nagbabasa ng papeles ng lumapit si Apple sa kanya.

"Christian, may pakiusap lang sana ako" she said.

"Ano yun?" tapos ngumiti siya sa kanya.

"Kwan kasi, total bakasyon na nina Eugene. Gusto ko sanang bisitahin muna ang pamilya ko sa probinsya" pakiusap nito sa kanya.

"Tamang-tamang. Sige, tayo na lang at doon tayo magbakasyon" sabi  niya naman. Nakita niyang nagulat ito sa kanyang sinabi.

"Pero paano ang trabaho mo at sino naman ang magbabantay dito sa bahay mo?" tanong nito sa kanya."magleave muna ako sa trabaho at maiwan sina manang dito para magbantay. So ano payag ka na?" tanong  din niya.

"Bahala ka" sabi nito sa kanya.

"Kailan ka ba magbakasyon"  he asked.

"Siguro sa susunod na araw at saka gusto ko sanang mabisita ang puntod ni Sophia bukas" sagot nya.

"Sige at sasamahan na lang kita total bukas ko nang simulan ang leave of absent ko sa kompanya" sabi naman niya sa kanya.

Tumango na lang ito at umalis na siya papuntang kusina.

Kinabukasan pumunta sina  Apple at Christian sa puntod ni Sophia. Nagtirik sila ng kandila at inilapag ang mga bulaklak sa puntod at taimtim siyang nanalangin.

...sana Sophia mapatawad mo ako sa aking ginawa. Di ko naman gustong mangyari ito at kung nakiusap ka lang sana sa akin nang maayos ay mas ginusto ko pa. Alam ko Sophia, ginawa mo yun dahil napamahal sayo si Christian at di ko naman inaasahan na hahantong ng lahat ng ganito. Sana mapatawad mo ako at rest in peace...

Di  niya namalayan na lumuha na siya. Napatingin si Christian sa kanya pero di na lang sya nagsalita. Yinakap na lang nya ito at inalalayan pabalik sa kotse at umuwi na sila. Bukas na pala ang punta  nila sa probinsya at kailangan na mag-impake muna sila para maaga silang luluwas bukas.

Nung dumating sila ay agad silang sinalubong ni  Eugene at yinakap nya ang kanyang daddy. Hinalikan naman ito ni Christian.

"Alam mo baby, were going to have a vacation tomorrow" bigkas ni Christian sa anak nya.

"Talaga daddy? saan daddy?" masayang tanong ni Eugene.

"Sa province ni Apple" sagot nya.

Napayehey na lang ang bata at agad siya nitong yinakap at nagpabuhat papasok sa bahay.

Kanina pa nakaalis sina Christian at Apple sa puntod ni Sophia. Minasdan lamang nya ang ito sa di kalayuan. Galit at inis ang nararamdaman nya sa mga ito. Mas lalo pa syang nagalit ng makita nyang nagyakapan pa ang mga ito.

"Humanda kayo sa akin" bulong nya sa kanyang sarili at lumakad ito papunta sa puntod ni Sophia.

"Isinusumpa ko, pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo Sophia. Wawasakin ko ang buhay nila tulad ng ginawa nila sayo" bulong nya sa harap ng puntod.

Umalis agad sya ng may luha sa kanyang mata. Hindi luha ng simpatya kundi luha ng paghihimagsik sa mga taong gusto nyang gantihan. Nag-iisip pa sya ng plano kung pano nya sisimulan ang paghihiganti nya.

"Pagbabayaran nyo to" napaisip sya at pinaandar na nya ang kanyang sasakyan at umalis na sa lupar na iyon with an evil smile flash sa kanyang mukha.

Naiwan sina Mang Nestor at Manang Elsie sa bahay habang nagbakasyon  sina Apple sa kanilang lugar.  Maaga silang umalis sakay ang kotse ni Christian.

A Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon