Makalipas ang isang taon ay muling bumalik ang kapayapaan sa pamilya nina Apple at Christian. Naipanganak na rin ni Apple ang una nilang anak ni Christian. Isa itong lalake at pinangalanan nila itong Christian Paul at naghahanda na silang dalawa para sa christening ng kanilang anak at isasabay na nila ang kanilang kasal.
"Alam mo best parang kailan lang ang mga pangyayari no" wika ni Betsy kay Apple.
"Oo nga. salamat sa diyos at talagang maawain siya" sambit naman nito.
"Bukas na ay magiging ganap ka nang asawa ni Sir Christian" wika ni Betsy sa kanya. Nasa bahay rin ito at tumulong para sa paghahanda ng okasyon bukas.
Maya-maya ay lumapit na sa kanila ang kanyang ina. Dumating din ang mga ito para sa bunyag ng kanyang anak at para din sa kasal niya.
"Alam mo anak napakasaya ko dahil sa wakas ay nagkaapo na din ako at mas masaya ako dahil masasaksihan ko pa ang kasal mo" masayang wika ng kanyang ina.
"Asan na ba ang apo ko?" sabay tanong niya.
"Nasa kay Christian nay" sagot naman nito.
"Sige puntahan ko muna ang apo ko" sabi nito at nagpunta na sa labas. Maya-maya ay umalis na din si Betsy at nakisali sa pagdekorasyon sa labas. Siya naman ay naiwan sa kwarto nila ni Christian kasi magpapalit muna siya ng damit.
"Oh hon bakit di ka pa lumabas?" biglang tanong ni Christian sa kanya ng pumasok ito sa kwarto.
"Magpalit muna ako ng damit"
Lumapit sa kanya si Christian at tinitigan siya.
"parang kahapon lang na naging katulong ka sa buhay ko pero bukas you are now my wife" sabay ngiti ni Christian sa kanya.
"Thank you for loving me" dagdag niyang sabi.
"Salamat din at nakilala kita. Pangako ikaw ang una at huling lalake na mamahalin ko magpakailanman" sabi naman niya.
Yinakap siya ni Christian at bumulong sa kanyang tainga.
"I love you"
"mahal na mahal din kita"
at hinalikan siya nito sa labi ng punong-puno ng pagmamahal.
Araw ng kasal nina Christian at Apple pati na rin ang bunyag ng kanilang anak. Larawan ng katuwaaan ang nakita nilang dalawa sa mga dumalo sa okasyon. Ginawa ni Apple na Maid of honor niya si Cherry at si Vince naman ang pinili ni Christian na bestman niya. Ginawa pa nilang ninang at ninong ang mga kaibigan nila sa kanilang anak.
Natapos ang reception at sakay na sila ng bridal car na magdadala sa kanila sa airport para sa kanilang Macau trip. Wala nang hihilingan pa ni Apple sa mga sandaling iyon at naniniwala siya na ang lahat ng bagay ay nangyayari para sa kabutihan rin ng isang tao.
Katulad na lang ang mga pinagdaanan niya. Dahil sa mga nangyari ay mas naging matatag siyang harapin ang mga problema niya sa buhay.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip ng honey ko?"
"Masayang-masaya lang ako, Christian"
"Me too. I'm so happy at ikaw ang napangasawa ko"
"Ako rin"
Inakbayan siya ni Christian at humilig naman siya sa balikat nito.
"I love you so much"
"I love you too" ganti niya.
Yumapos siya ng mahigpit sa bewang nito sa dibdib ng kabiyak.
Lord, salamat po sa lalaking ito. Salamat po na siya ang pinili mo para makasama ko sa habam-buhay. Salamat at binigyan mo ako ng mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kaibigan na laging tumutulong sa akin. Sana po gabayan mo kami sa panibagong buhay na aming haharapin at pamilyang bubuuin.
Wakas
BINABASA MO ANG
A Substitute Wife
Teen FictionPumasok si Apple bilang yaya ng anak ni Christian na iniwan ito ng kanyang asawa ng halos limang taon ang nakakaraan. Di nagtagal unti-unti siyang umiibig dito at isang gabi ay umamin si Christian na mahal din niya ito at agad naman niyang sinagot...