Chapter 31

98 1 0
                                    

Ara's POV

Alam niyo ba yung feeling na parang ayaw niyo na lang tumayo sa kama kasi galing ka sa break up? Kaso kapag ginawa ko eto panigurado bye bye ako sa deans list at mas masakit na mawalan nanaman ng importanteng bagay sa buhay katulad na lang ni Blake. Siraulong yun, iniintindi ko naman siya, alam ko may dahilan, para saan pa at girlfriend ako wala naman din pala? Maglilihim? Mukha niya, mahal ko lang siya pero pag ako nag tampo, pero mahal ko pa din siya huhu. Umupo ako the usual sa dinning room. Nakapalungbaba, lumulutang at isip at hindi alam ang gagawin. First real heartbreak. Sabi nila kapag ganto iutot lang okay na pero nakakarami na ako wala pa din. Bakit ba ako naniwala duon? Matatanga ka rin pala makahanap lang ng solusyon para macure ang heart break.

"Nako ara, 5 minutes na lang late ka na iiwanan kita diyan."naiiritang sabi ni adie.

Tinitigan ko siya.

"sige lang iwanan mo ako. Ganyan naman kayo lagi, mahilig mangiwan."di ko namalayan umiiyak na ako.

Lumapit siya at may halong awa sa mukha niya.

"Alam mo ba ang tanging maitutulong ko? Pilitin ka na pumasok para di masira kinabukasan mo. Sa una masakit pero kapag tumagal iyan unti unting hihilom. Sa pagmamahal may kadugtong laging sakit na mararamdaman, may tiwala ako kay blake at alam ko that's for good na ginawa niya magbreak kayo."ngumiti siya.

Sumimangot ako.

"may alam ka dito?"masungit kung tanung.

Umiling siya.

"Hula ko lang, now bago ka magreklamo na kinampihan ko ex mo, get up o gusto mo kaladkarin kita ng nakagayan papasok sa school?"salbahita niyang sabi.

Iba talaga ang bff ko. Atapang a tao.

"Fine!"tumayo ako at mas mabilis pa kay flash nagawa kong magligo at mag ayos.

Late nga lang kami ng 10 minutes.

"Okay ka na ba?"tanung niya.

Ngumiti na lang ako para hindi na siya mag alala.

Naiinis ako bakit ba pinagpipilitan ko sarili ko kay blake. Kung ayaw niya ng proper closure, which is ang hirap isipin, kung napagod na siya sa akin, sana naman isipin niya yung nararamdaman ko.

My day goes duller than ever. Hindi na rin pumapasok si blake. Magdrodrop na din ba siya? Bakit ba nag aalala pa rin ako sa kanya?

Mahal mo pa kasi

Hanggang hindi niya sinasabi na di niya ako mahal hindi ako susuko.

Hayyyyy.

Next class namin dumating bigla si dylan. Dumiretsyo siya sa akin at binigyan ako ng nag aalalang mukha.

"Sabi ko sa iyo, ako na lang Barbara."Malungkot yung mata niya.

Hindi ganun kadali yun dylan

"Please wag mo naman ako pangaralan ngayon."mahina kung sabi.

He gave me an apologetic look.

"Fine, after class let's eat."Alok niya.

Kung eto lang ang dahilan para kalimutan ko siya panandalian, why not. I nod. Ang lapad ng ngiti niya.

Pero may part sa sarili ko na ayaw kasi parang nagchecheat ako kay blake. Langya break na nga kami tapos kain lang naman walang masama. Bakit ko ba dinedefend gagawin ko?

Kasi part of you respect your relationship with blake, kasi nga mahal mo siya

I exhaled. Bahala na!

Nakatayo ako ngayon sa gilid ng harap ng school, hinihintay si dylan. Laging ginagawa ni blake eto kaya hindi ko mapigilan umiyak.

Bakit ba ang tagal ni dylan? Habang naghihintay ako at lingat ng lingat may nahagip yung mata ko. Walang pang ilang minuto tumakbo ako sa pwesto ni blake. Niyakap ko siya at umiiyak nanaman ako. He is standing still. I can't read his face naka yuko siya sa akin. Nakasubsob yung mukha ko sa dibdib niya.

"Ayaw mo na ba sa akin? Hindi mo na ba ako mahal?"unang tanong ko.

Dahan dahan niya inalis yung pagkayakap ko at hinarap siya sa akin.

"Dylan can make you safe! Be with him."More of utos rather ng suggestion niya.

I felt angry.

"Answer me? Look at me, just say you don't love me then that's it. Kesa ipamigay mo ako sa iba mabuti pang tuluyan mo na akong bigyan ng dahilan para kalimutan ka!"for heavens sake, masakit na yung mata ko pati puso ko.

Niyakap niya ako bigla at naramdaman ko ang patak ng luha niya sa balikat ko.

"You don't deserve someone like me, sinaktan na kita at masasaktan nanaman kita ulit kapag tinuloy pa natin eto."he is frustrated.

I faked laugh.

"Kaya ko naman maimmune sa sakit para sa iyo ehh, ganyan kita kamahal, please blake, hindi ko gawain magmakaawa sa tao, but you blake? You're an exemption. Mahal kita at kahit anong mangyari i will do anything for this to work again."lahat ata ng ugat ko sa leeg para magsalita overused na.

Ang sakit na din ng lalamunan ko.

Dylan's POV

I bought her food kasi alam kung pagod na siya, sinabihan ko na si blake na once saktan niya si Ara babawiin ko siya. Nagparaya na ako pero bakit ang lupit ni tadhana? Yung babaeng mahal ko, sinasaktan lang ng ibang tao, ay mali ng kaibigan ko. How could I fight if in the first place I know I don't even stand a chance? It's killing me, ara please, wake up at sana sa pag gising mo ako naman mahalin mo.

Ara's POV

Sa sobrang pagod ko bigla na lang nagdilim paningin ko.

Pagmulat ko ng mata ko agad kung hinanap si Blake.

Pero wala na siya, nasa tabi ko ngayon si dylan. And his face is unreadable. Pero maya maya lang lumambot na ang mukha niya at concern na.

"Yung arang kilala ko, matapang, mapag intindi at hindi basta basta magmamakaawa!"disappointed niyang sabi.

Iiyak nanaman ba ulit ako?

"Where is she? Bring her back."nang humawak siya sa kamay ko hinigpitan niya eto.

Wala ng mailabas na luha yung mata ko.

"I'm sorry dylan, nadadamay ka pa."mahina kung sabi. Pero kahit na ganun I saw a hint of smile in his face.

"Kakabit ng pagmamahal ang sakit Ara, tandaan mo yan, just like you right now. Tao lang tayo, nagmamahal at nasasaktan. Lintek na Cupido iyan, pero sana kahit ganun ang mahalaga ehh kung paano ka babangon mula sa pagkadapa, paano mo itutuloy ang laban."Yumuko siya. "Ara, yung laban na meron ako..."tumingin siya sa mata ko. "Yung kahit na talunan na pinipilit kung maging masaya, hinahayaan na lang kita kasi diyan ka masaya at masaya na rin ako para iyo. Pagpaparaya, kaso ara ang sakit kasi ngayon hindi ka masaya. Tell me ano ba dapat gawin ko?"naiiyak na si dylan at yumuko siya.

Automatic niyakap ko siya.

"Ang swerte ko naman sa iyo dylan, kahit ako hindi ko na alam ang gagawin. Kung ikaw ang nasapwesto ko ano ba dapat ang gawin?"I asked.

First time opening up with dylan, he's a big help.

"Just save something for yourself, hindi porket 100% ang pagmamahal mo ibbuhos mo lahat sa taong minamahal mo...kahit papa ano save for yourself. Ayokong makitang galit ka sa pagmamahal. Because that's the reason I fall in love with you ara. You're just full of love and sunshine. You're my ball of sunshine and he is yours."Pwede bang utusan ang puso ko na madetention kasi doble pa lang ang sakit lalo na kapag may napapahirapan ka pang ibang tao.

"Thank you dylan, one day you'll find your own ball of sunshine. Maybe not now baka on the way pa lang."I smiled.

xoxo

-CastielMcQueen

Boyfriend Academy ✔ (COMPLETED) Where stories live. Discover now