Chapter 49

79 2 0
                                    

Continuation...

Alex and Kc will be great couple and balance.

Nang maisipan ko na wag magpunta sa winery naabutan ko si Chase at Venice na naghahabulan. Inaasar ni Chase si Venice at may kinuha ata kaya pinaghahahabol ni Venice si Chase. Mula malapit sa akin ngayon ay malapit na sila sa dulo ng plantasyon. Chase and Venice type of relationship, yung tipo na cute at mapaglaro. Balance din sila since Chase medyo mature ngunit si Venice naman ay sweet at di pa gaanong mature. Venice is attractive because of her innocence just like sky. Sila ang bunso sa barkada at si Chase ang malikot sa barkada nila ngunit romantic at masiyahin. Overall marami pa ding pagdadaanan ang dalawa at si Venice ay paunti unti nag grogrow dahil kay Chase at ganun din si Chase. I hope them the best. Iyang dalwa pa, halos hindi nawawalan ng energy. Ang lamig lamig nagtatatakbo pa. Hayaan ko na nga ang sweet naman nila.

So...

Natitira ang relationship namin ni Blake. Our type of relationship, binago ko si Blake for the best. Sabi nila na kapag mahal mo ang tao tutulungan mo sila makabangon. Hinintay ko siya at minahal ng hanggat sa makakaya ko. Akala ko nung una ang ang magiging kasiraan ng relasyon ng magkaibigang si blake at dylan kaya handa na ako mag stepback at hindi ko hahayaan yun ngunit hindi bumitaw si blake pinaglaban ako ni blake katulad ni dylan ngunit ang puso ko pa din ang nagdikta kung sino ba talaga ang mahal ko. Hindi ko kayang maging equal sa kanila dahil kawawa naman ang totoong mahal ko. Kaya hindi ko na hahayaang umasa pa si Dylan. He deserve a girl better than me. Mahal na mahal ko si Blake at natutunan ko sa huli na sa isang relationship dapat trust, patience and honesty is very important para maging matibay ang relasyon. Tinulungan ko siya in his darkest nights at ganun din siya. I am so in love with him. Marami na kaming napagdaanan katulad ng barkada and I wanna grow old with him. Masaya ako na nakilala ko siya. Pinaramdam niya sa akin ang salitang kuntento, babawi ako at papatunayan ko. Kaya nga meron na kaming baby gabriel and i would never regret this forever. Pumayag ako magpakasal kasi I can see him in my future. Siya ang gusto ko makasama through thick and thin. Until we are grey and old.

Ano nga ba ang mapupulot niyo sa aming pagmamahal na nagsimula lang sa aming college life?

Una, Panindigan ang decisyon.

Pinili mo ehh kaya dapat pangatawanan. Para wala ng masaktan sa huli.

Pangalawa, Caring and sense of humor

Kapag nagmahal ka kailangan alagaan niyo ang isa't isa katulad ng pag aalaga niyo nung nagsisimula pa lang kayo. Add up ang humor para may spice sa relationship niyo. Yung tipo na hindi kayo mabobored sa isa't isa. Kayong mangalalaki. Alam naman niyo na ayaw niyo saktan ang mga babae. Make them laugh. Lalo iyan maiinlove sainyo.

Pangatlo, Being selfless and pagpapahalaga

Kung alam niyo na mas magiging masaya ang mahal niyo sa iba. Please wag niyo alisin ang karapatang ito. Alamin niyo kung hanggang saan lang ba dapat ang pagmamahal niyo. Kung wala ng pag asa please don't be sad. Why? Ibig sabihin may mas karapat dapat na nakalaan sa inyo. Maging mapag pahalaga sa mga importanteng tao sa buhay niyo, di lang sa love life, pwedeng kaibigan o pamilya din. After all, sa huli sila ang malalapitan niyo sa tuwa at lungkot. Kaya magpahalaga.

Pang apat, Maging mapag matyag at Mapag tiis

Guys please, sa simula pa lang kung alam niyong wala na talagang pagmamahal na natitira o you fall out of love, maging aware kayo kasi makakasakit pa kayo ng ibang tao at habang tumatagal mas mahihirapan sila. Kung sa una palang naging aware na kayo namiminimize ang problema at hindi na ganun kasakit para sa isa't isa. At kung may sinusuyo man either si lalaki o babae. Please pagtyagaan niyo. Sabi nga nila kapag may tyaga may nilaga. Pag pinaghirapan mas worth it. Inawayaway niyo now makipag bati kayo.

Pang lima, Balance and Developing

Normal lang sa relationships ang mag away ang mahalaga nagkakabati kayo. Hindi na relasyon iyan kung puro away na lang at hindi na relasyon kung walang away dahil wala na kayong pake alam sa isa't isa. Hindi na kayo mag grogrow kung ganun nga. Ang relasyon ay pwedeng isang kasangkapan para makilala niyo ang isa't isa at magsisilbing dahilan para may matuklasan kayo ibang talent sa buhay niyo. Matututunan niyong mahalin ang ginagawa ng isa't isa magiging mas better kayo.

Pang anim, Enjoying each other and helping each other to understand what happiness is.

Kaya nga kayo pumasok sa relasyon dahil hindi lang masaya kayo kungdi you feel right at home with each other. Katulad nga ng sabi ko kanina, hindi lang naman puro saya ang relationship ngunit isa sa magandang bagay about relationship ang magiging masaya kayo parehas sa company ng isa't isa. Matututunan niyong maging masaya kahit sa maliliit na bagay na nagagawa niyo sa isa't isa. Iyan ang nagagawa ng love. May effort at happiness, magiging mas matibay ang isang relationship.

Pang pito, Changing someone for the better. Loving but never forget na dalhin ang utak sa prosesong ito.

At pang huli, kung mahal niyo ang tao, babaguhin niyo siya hindi dahil gusto niyo lang, ngunit babaguhin niyo siya kasi mas mapapabuti siya at doon sila mas sasaya. You don't need to force them to change, it is in the process. At please guys, kapag nagmahal kayo, bring your brain with you. Kaya nga nilagay iyan sa ulo na mas mataas sa puso, dahil dito manggagaling ang desisyon, hindi lang puro puso dahil panigurado mas lalo kayong masasaktan. Oo parte ng pagmamahal ang masaktan ngunit mas masasaktan kayo at hindi niyo magugustuhan iyon.

xoxo

Aww guys last chapter na after neto. Thank you so much sa mga nagbasa at naniwala na matatapos ko ang kwentong eto. Continue na natin ahh!

-CastielMcQueen

Boyfriend Academy ✔ (COMPLETED) Where stories live. Discover now