Chapter 45

68 2 1
                                    

[A/N: Down to 6, kapit lang guys! This will be amazing.]

Blake' POV

I am with my bros, I was planning to get even with ara. Tuwing uuwi na ako sa bahay namin sa gabi, she is like a lost puppy. Gusto ko na siyang makasama sa isang bahay, together with my baby. Kaso tiis pa akong konti dahil si Dad pinapaayos pa yung companya.

"So what's the plan?"Jayden asked.

I don't have idea pa ngayon.

"I want it more peaceful than ever, naalala mo yung pinag lalaruan nating silungan nung bata tayo, yung parang pa music box yung desenyo na tambayan natin malapit sa dalampasigan. Gusto ko dun, gusto ko doon lumuhod."I said.

Tinignan ako ni Jayden ng nakangiti.

"Smitten and madly inlove. Gone all those badboys day."natatawa si jayden.

Inilingan ko na lang siya.

"I can hire a musician! She is pretty good."suggest ni dylan.

I nod.

"Sige lang, okay yun sa akin!"sagot ko agad.

Petty fights nung college, wala lang yun sa amin ni dylan. He is better than yesterday. He can't take his eyes off with ara's cousin Mandy. Ganyan iyan magkagusto bubullyhin yung mahal niya. Torpe pa sa torpe iyan.

"Ako mag aarkila ng designer ng place."Xavier suggested.

Tumango lang ulit ako.

"Sure! Tell the designer gusto ko dim blue yung theme pero mas maganda if light para ma emphasize yung petals na ilalagay sa floor. Maganda sa buntis yung light color."i explained.

Tumawa si Xavier.

"Kelan ka pa natuto niyan? Never ka pa nagresearch pero may kutob ako na daig mo pa ang nagmamasteral sa mga pagkain naipinapakain at binibigay mung bagay kay ara. Totoo ba talaga na good boy ka na? Gone is the monumental bullshit blake?"he laughed.

Inangilan ko lang siya. Tuloy pa din siya sa tawa.

"Ako sa food, yung co-worker ko na lang sa cruise. Aabot pa siya ng isang taon dito."suggest ni alex.

Yes he is back, kami lang nakaka alam, isusurprise niya daw si Kc. Nagmumukmok na daw kasi yung ex niya na magiging girlfriend din daw niya. Ang gulo niya talaga. Totoo nga na tanga talaga na tanga ang matatalino sa pagmamahal. Masyadong pinapakumplikado ang pag ibig.

Tumango naman ulit ako.

"Good for the baby food tell him. Paghandaan mo na ang litanya ng pagmamahal ni Kc."biro ko natawa naman siya.

"Nung isang taon pa."sagot niya agad.

"bale kami ni Yven makikikain!"singit ni Chase.

Tumawa naman sila.

"Papakainin ka namin ng baby food."Hirit ni Alex.

"Di, seryoso na, ako sa hidden photographer!"sagot ni Yven.

"Perfect idea!"sabay sabi ko.

Napatingin kami kay chase.

"So dahil wala na akong gagawin ako sa moral support! Biro lang, ididistract ko si ara,gagala kami nila venice. Tell me when."Suggest niya.

"All setup na, I am planning this Saturday."Wed na ngayon so 3 days na lang.

"Ai ai captain!"masayang sabi ni Chase.

I am absolutely happy, kumpleto na ulit kami. Who would imagine may time pa kami para makapag sama sama, really amazing how life reassemble each individual to where they are supposed to be.

"Cheers for the Boyfriend Academy?"Natatawang sabi ng leader namin na si Xavier.

In our barkada, he is the kuya, the tatay, the strict one. Kapag may nagagawa kaming kapalpakan dati sa band, ohh well college life siya ang sumasalo ng responsibilidad. Mukha siyang macho outside pero mas malambot pa iyan sa mamon ng bulacan.

"Who named that?"nasusukang sabi ni Alex.

Wala siya nung naginuman kami at napag usapan iyang pangalan na iyan. Si alex, he is the gentleman of the gentleman. Sa sobrang gentle madami nafafall. Medyo nahirapan lang siya kay Kc na ang mata ay naka focus noon kay Chase. Akalain mo yun si Mr. Geek natatanga din minsan. Hanga at bilib ako sa utak niyan na 1 terra bytes ata ang capacity. Hindi nauubusan ng information kapag exams. Pero kapag kausap niya si Kc, para siyang nag oral exam ng di nagreview.

"Ako angal ka?"mapanuya pero tumatawang sabi ni Chase.

Si chase, siya yung tipo na vocal sa lahat, mas confident pa kay superman kung umasta. He is not afraid to speak outloud nagusto niya ang isang bagay, ayan ang super powers niya. Prangka at hindi paligoy ligoy. Naalala ko nung sinita niya si venice sa suot noon na maiksing damit, sabi ba naman, nagdamit pa daw si venice, dapat sinagad na niya ang pagpapakita, nakareceive siya ng isang malutong na sampal dahil doon at isang linggong hindi pagkausap ni Venice. Loko at sa madaming tao niya pa nasabi. Pero sa magandang side. Cute daw magmahal ang isang iyan. His words will pierce to your heart deeper than atlantic. Eww, hirap purihin ng katropa ko.

"Ohh chill! Okay na yum, sabagay iba iba naman tayong klase ng boyfriend."Dagdag ni yven.

Si Yven, tahimik lang iyan ehh. Hindi kami masyadong close pero base sa pagtreat niya sa girlfriend niya, he is the sweetest motherfucker. 1 day he'll be searching dangwa the prettiest yet no matter how expensive the flower. Namataan ko yun nung isang taon niyang niligawan yung girlfriend niya. Nagpatulong din siya sa room decoration noon dahil suprise daw. Imagine neon balloons naka dikit sa kisame ng bahay tapos sa lapag puro hearts balloon plus may wine and cake sa gitna. May center piece kasi yung apartment ng girlfriend niya at kami din ang nagpahiwalay kay girlfriend at yven para matuloy and surprise. Akala namin may something kay sky and yven but friends lang pala sila. I think sky will deserve better guy, dahil si Yven masyado ng invested sa girlfriend niya, balak na nga niya ito pakasalan.

"Madetalye naman si Yven, hindi ko naisip yun ahh!"tumatawa si Jayden.

Si kambal? Definitely different from me. Hindi ako naniniwala na kapag kambal you can read each others mind pero ang totoo mararamdaman mo kapag may nangyayaring kakaiba. Instinct siya. Magkakasakit ako, siya rin. Although minsan, pasaway ako at ayoko sa gamot siya naman the masunuring bata. His advantage over me, magaling siya sa humor, madali niyang mapainlove ang babae. Sabi nila kapag lagi mo napapasmile ang babae tendency madaling mahuhulog iyan. Naka set na din talaga sa kanya na nakakatawa siya. Peace maker at ang mahilig magsorry na tao kahit wala namang gingawang mali. Hindi ako katulad niya, he really differs from how I act, kahit na kambal kami may konting difference pa rin kami sa katawan. Trivia may nunal siya sa left collarbone ako sa right.

"Enough with funny notions, parang ewan!"awat ni dylan.

The bestbuddy, the free spirited guy, siya yung tipo na kahit saan dala ang motor. Magpapakita sa oras na kailangan mo siya, susugal kahit na matatalo siya. Hanga ako sa tapang niya, lagi niya sinasabi na he is jealous of me at ako rin naman, kasi siya mas matuwid na tao kesa sa akin. One wordman minsan kasi tamad mag salita ng mahaba. Although masipag naman siya magexplain kapag excited. The torpe man, pacool. Higit sa lahat mapag pahalaga ng pagkakaibigan. Madami na kaming napag daanan pero hindi sagot ang babae para masira ang pagkakaibigan namin.

xoxo

-CastielMcQueen

Boyfriend Academy ✔ (COMPLETED) Where stories live. Discover now