..Monday Morning :)
6:00 am
----------------
Ano ka ba namang bata ka ! Bumangon ka na dyan !! Male-late ka na !! sigaw yan ni mama habang nagluluto sa kusina..
Ma naman eh !! Ang aga pa naman 7:00 pa pasok ko eh !! Ako yan ! Oo tamad ako laging bumangon.. Puyat kase ako lagi !
Anong maaga pa eh 6:20 na ! Maliligo ka pa, magbibihis, kakain at magtotoothbrush !
Kahit kelan talaga tong bata na to.. Palibhasa spoiled sa papa niya ! Hayst !
Give me 5 mins. more !! Inaantok pa ko eh !
Hindi ka ba talaga babangon diyan bubuhusan talaga kita ng isang timbang tubig ! Ewan ko nalang kapag hindi pa yan bumangon ! Haha !
Ano daw? Tama ba ko ng dinig ?? Isang timbang tubig ?
Hala naman si mama. ! Grabe anong gusto niya ? taking a bath in bed ? Parang breakfast in bed lang? XD!
Ano hindi ka talaga babangon !!
Yan na naririnig ko ng paakyat si mama.. At dahil pakinig ko na ang footsteps niya .. Bumangon na ko at dumiretso sa banyo ko !
Yukiiii!! Lumabas ka na dyan ! Isa ! Dalawa !! ....
Then ..booogggsssh !! (Tunog yan ng Pinto)
Nasan na yung batang yun ??
Baka tumalon sa bintana..
O kaya naman nasa ilalim ng kama !
Masilip nga !! :)
Paglabas ko ng banyo..
Ay kabayo !! Nagulat ako! meron kung ano sa ilalim ng kama ko..
Kabayo ?? Asan ??
Tanong yan ni mama ! Loka Loka talaga !
Ma naman eh.. Ano bang ginagawa niyo dyan sa ilalim ng kama ??
May hinahanap lang ako ! Ikaw naman masiyado kang magugulatin .. Magbihis ka na, kanina pa nakahain ang pagkain..
Bumaba na si mama..
hahahahahaha !! Kanina ko pang pinipigilan ang tawa ko .. Si mama naman kase!! Hanapin ba naman ako sa ilalim ng kama ! XD ankuuuullleeettt!!