Hayst !! Matapos lang naman akong matapunan ng juice nung taong mahaba na lalaking yon! Ang tangkad kase.. Siguro nasa 6 ang height .. O talagang pandak lang ako ?? Talaga namang sobrang pang-aasar ang inabot ko kay metzie.
BTW.. Napag-alaman ko na transferee siya.. Kaya naman pala di familiar ang mukha.. Transferee nga yuki diba ?? Tanga lang teh ?? Minsan ang eng-eng ko lang talaga .. !!
Hindi ko alam kung anong year niya na.. At wala naman akong balak alamin yun !!
Andito ako ngayon naglalakad-lakad na parang wala sa sarili..
Lumilipad ang utak ! May sariling mundo ! Brokenhearted ako alam niyo yun ??
Yung tipong kaka-break lang namin a week ago , tapos nalaman ko nalang na may iba na siya ! Ang sakit diba?
Yung nagpakatanga ka dahil mahal mo siya pero iniwan ka niya dahil may mahal na siyang iba ! ! At ang masakit bestfriend ko pa !! Ouch !! Para akong binagsakan ng sampung matataas na building ! At inilaglag sa bunganga ng bulkang mayon :'(
Para akong namatayan !! Pugto ang mata , matamlay , tapos daw bangkay , kase naman sobrang putla ko ! Parang naubos na lahat ng red blood cells ko sa katawan.
nakakatawa lang isipin na ang isang consistent honor student ay nagkakaganito dahil lang sa isang lalaki na wala namang dinulot na maganda sa buhay ko !
Totoo nga talaga yung sinasabi na bobo sa pag-ibig ang matatalino ! Anong magagawa ko nagmahal ako eh ! Minahal ko ng sobra eh at ang tanga ko lang talaga na wala akong tinira para sa sarili ko ! Ang bobo lang talaga ! Lintik na love yan !
Tuloy lang ako sa paglalakad .. At para akong baliw kase nagsasalita ako mag-isa tapos umiiyak pa ! Tsk !! Wala pa kong panyo .. Tumutulo na nga ata pati sipon ko ! Bakit kase ang hirap mag-move on ! Dinaig ko pa ang na-traffic sa edsa eh ! Hayst oo na korni na !
Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad .. Tapos kumunot yung noo ko .. Kanina pa ko naglalakad pero bakit hindi man lang ako nakaalis sa pwesto ko ?? Hala anong nangyare ?? Baka naman nabaliw na talaga ako ??
Miss ok ka lang ba ??
Ay taong mahaba ! -_-!
Shemay! Nakakahiya yung nasabi ko ! Sarap magpabaon sa lupa ng buhay ! Tokneneng naman eh !
Kaya naman pala ako di nakaalis sa pwesto ko na parang na-traffic na nga talaga ako sa edsa, ( tangeks ka yuki para namang may edsa sa mindoro tsk ! Baliw ka talaga ! ) eh kase naman may taong mahaba palang nakahara sa harap ko ! At dahil wala ako sa sarili eh hindi ko man lang siya napansin ! Tsk ! Nakakahiya ang itsura ko ! Kadalaga kong tao ang dungis dungis ko !
Pag angat ko ng ulo ko ..
ikaw na naman?? O______O di ko din alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko .. Baliw ka na talaga yuki ! Daw kang nakakita ng multo eh yan lang naman yung nakatapon sayo ng juice !! Don't you remember?? Tinatanong ko yung sarili ko ! Oo siya nga yun !
Ok ka lang ba ?? Gusto mo dalhin kita sa ospital .. Namumutla ka kase .. May sakit ka ata miss? Nakakatawa siya ba't ba concerned siya sakin ? As if naman na close kame ?? Eh hindi nga eh ? Tsaka hello natapunan niya lang naman ako ng juice kahapon ! Da eff !!
Ah hi-hi-hindi .. Ok lang ako baka na-na-pu-puyat lang ako !! Sige mauna na ko ! Tumakbo na ako ! Nakakahiya na eh ! Para bang gusto ko ng ipatapon ang sarili ko sa planet mars . baket naman kase ako nabubulol ?? Yung totoo yuki may aphasia ka noh? Kase naman ang pogi nya eh ! Baket naman kase pinagkalooban siya ng ganong mukha ! Allergic pa naman ako sa pogi .. Ang alam ko lang pag may lumalapit saking pogi tinatakbuhan ko lang ! Shemay ang pogi nya ! Kiri lang yuki ?? Remember kaka-galing mo lang sa breakup !
Hayst oo nga pala noh ? Naku pag-naalala ko talaga yang break-up chi chi na yan ! Parang gusto ko nalang magbigti sa puno ng kamatis ! Bakit ba kase may mga taong di marunong mag-appreciate ng feelings ng iba !
Bakit ba kase may mga taong hindi makontento sa isa ? Bakit kinakailangan pang maghanap ng iba kahit meron na siya !
Ganon ba talaga ang tao madaling magsawa ?? Na kapag ayaw na sa isang bagay ay iiwan nalang basta .. At maghahanap ng iba ! Tsk ! Nakakaembyerna ang mga pogi ! Most of them mga manloloko !!
Simula ngayon manhater na talaga ako !!
From now on ayaw ko ng may malapit sa aking boy ! Ayaw kong mahulog ulit at hindi ulit masalo .. For sure parang nalaglag lang ako sa 50 floors na building ! Masakit yun .. Baka tuluyan na kong mawasak pag nangyare yun !
At hinding hindi ko na hayaang masaktan ulit ako !!
Hinding hindi na !! :'(
---------
Hmmmm .. Nalungkot ba kayo dahil sa past ni yuki ??
Saaarrreehh naman !
Please vote , comment, and follow me ! ^_^
~rhes_anne15