Uuwi na talaga ko ! Kanina pa ko nag-iintay wala namang dumadating!
Bahala siya kung dumating siya at wala na ko dito !
Di ko na kasalanan yun !
Nag-intay naman ako eh..
So tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad ng biglang ..
Yukiii!!
Boses yun ni taong mahaba ah! Hindi ako pwedeng magkamali ! Ayst! Ayaw ko pa naman siyang makita ! Nahihiya ako ! Naiinis ! At gusto ko siyang bugbugin!
Tapos biglang may humigit na lang sakin at siya yun.. !
San ba tayo pupunta??
We'll have a date ? Di mo ba alam yun?
Hindi !! Wala namang nag-inform sakin na may date ako nagyon !
Wala talaga kase sinadya ko yun! Alam ko kaseng di ka papayag!
Ah kaya naman pala si metzie ang gumawa ng paraan, ayos ka din eh no ?
Hiningi ko naman yun sa kanya as a favor at pumayag naman siya kaya walang mali dun!
Hindi na lang ako umimik napagod na ko eh ! Naiinis pati ako parang pinag-kakaisahan ako ng mga tao sa paligid ko !
Zeke's POV:
Tumahimik siya bigla ! Kaya nga ako nag-plano ng ganto para marinig ko boses niya ng matagal tapos eto ang tahimik naman niya kaya ako na ang bumasag sa katahimikan kahit alam kong nauubusan ako ng mga salitang bibitawan dahil sa sobrang saya at kaba dahil kasama ko si yuki, ang babaeng matagal ko ng hinahangaan!
Yuki, sorry if pinag-intay kita kanina ha.. ! Sa totoo lang mas nauna akong dumating sayo dun..kaso..
Hindi ko na natapos yung pagsasalita ko kase nagsisigaw na siya at pinaghahampas ako !
Aray.. Aray ko yuki.. Tama na yuki!
Anong tama na ?? Tama na ha?? Alam mo bang inis na inis ako kanina kase ang tagal ko ng nag-iintay dun tapos walang dumadating! Nakakainis ka!! Sarap mong bugbugin!!
Hindi na ko umimik kasalanan ko bang panuorin siya dun habang nag-iintay ang cute niya kase.. Nakakatuwa siyang pagmasdan kanina.. Yung itsura niya habang naiinis!
Nanahimik na lang din siya napagod din sa paghampas sakin !
So ayun ang tahimik lang ng buong biyahe namin !
Hanggang nakarating na kame sa lugar na hindi niya inaasahan..
Sure ka diyan tayo pupunta?
Oo ayaw mo ba?
Eh diba plaza yan?
Oo.. Haha :)
Pano ba to ? Di ko alam ang gagawin ko .. Ni hindi ko alam kung paano ako mapapalapit sa kanya ! Kung paano ko siya magiging kaibigan? Kung paano ko siya makakasama lagi? Ano bang dapat kong gawin?
Naguguluhan ako !
Tulungan niyo naman ako !
Ang hirap pala mag-isip pag kaharap mo ang taong mahal mo !
Parang tumitigil ang utak mo sa pag-iisip ng ibang bagay dahil siya lang ang laman ng isip mo !
Tapos wala ka ring ibang napaparinggan kundi tanging tibok lang ng puso mo !
Wala ka ding nakikita maliban sa kanya! Bulag ka pagdating sa iba..
Tapos hindi ka pa makapagsalita !
Nauubusan ka ng salita ! Nawawalan ka ng lakas ng loob na sabihin ang mga salitang nabuo sa utak mo !
Hayst!!
------------
Lame update pa din noh?
Well sorry!
-rhes_anne15