Hmmmmmm... Umaga na naman ! Napag-isip isip ko kagabi na wala akong mapapala sa kakaiyak, mukha lang akong tanga diba ?
Oo masakit maiwan, malungkot mag-isa, mahirap tanggapin na may mahal na siyang iba , masakit pakawalan ang taong minahal mo ng sobra at hayaang maging masaya sa piling ng iba lalo't bestfriend mo pa ! Oo nagpakatanga ako ! At alam ko yun ! Alam na alam ko yun .. Kaya nga ako nasasaktan ngayon! Ang bobo ko lang kase puso ko ang sinunod ko at hindi ang utak ko edi sana hindi ako nagkakaganito ! Hayst !! -_-!
Nakakapagod masaktan ! Napakahirap mag-move-on at kalimutan ang lahat !
Ang sikip sa dibdib, sobrang sakit!
Pero kailangan kong maging masaya ! Hindi porket wala na siya at iniwan ako , ay sisirain ko na ang buhay ko.. Iisipin ko nalang na ang tanga niya dahil pinakawalan niya ko ! Oo tanga siya kase iniwan niya ko na sobra ang pagmamahal sa kanya ! !
Hayst tama na nga ang drama !
Pumunta na ko ng banyo ko para maligo !! :) tapos nagbihis at bumaba para kumain at magtoothbrush :)
AJA! Kaya ko to ! Sus ako pa ! Hindi ko naman ikakamatay kapag wala siya ! Eh ano kong makasalubong ko sila ! Mag hello ka na lang na parang walang nangyare !! Daw tanga lang ako na ini-encourage ang sarili sa harap ng salamin !
Yukiiiiiiii!!! Late ka na ! Ano pang tinatanga-tanga mo dyan ?? Grabe naman si mama nakakabingi daig pa ang naka megaphone !
Opo andyan na !! Tumakbo na ko nag-uusok na ilong niya eh haha :)
Pagdating ko sa school nakasalubong ko si taong mahaba .. Nginitian niya ko.. Kaya ngumiti nalang din ako..
Then lumalapit na siya sakin .. Ngek ? Ano kaya ang nasa utak nito ??
Hoy PNC ! Akin na yang gamit mo !!
Tumingin ako sa kanan, kaliwa , at likod ko pero walang ibang babae doon, kaya ako ang tinatawag niya !
Ako? As in ako ?? Bakit mo naman dadalhin yung gamit ko ? Tanong ko sa kanya ?? Anong nakain nya ?
Ayaw mo ?? Edi wag !! Sinabi nya yan ng pasungit !
Ah.. Eh.. Hi..hin..hindi naman sa ganon ! Mabigat din kaya to kaya tulungan mo na ko ! Ang tangi ko lang kase nauutal pa ko , siguro na shock lang ako.. :)
Habang naglalakad kame at nagkwekwentuhan.. At tumatawa dahil sa mga cornnnnyy niyang jokes nakasalubong ko nga ang ayaw kong makasalubong !
..napansin ata ni taong mahaba ang expression ng face ko.. Parang na feel niyang nasasaktan ako sa nakikita ko kaya naman inakbayan niya ko ! O_o yan ang naging expression ng mukha ko .. da eff ?? Ang bango ni taong mahaba .. Oo gwapo siya, singkit, matangos ang ilong basta yun na yun !