Capitulo 4

30 1 0
                                    

Pick

"You might drown in your deep thoughts," bigla akong napamulat at nag-angat ng tingin sa nagmamay-ari ng boses. Ni hindi ko namalayang naidlip pala ako at basa aking mga pisngi.

Iyong nasa panaginip ko... parang totoong-totoo. If we dare escape this school, will that really happen to us? Parang gusto ko tuloy sumugod sa gate pero nag-aalala rin ako na baka mangyari nga ang nasa panaginip ko kanina lang.

A guy filled my sight and he's lending me a bottle of juice which I find weird pero mas weird ang ginawa kong pagtanggap sa ibinigay niya.

Walang sabi-sabi siyang naupo sa tabi ko at itinuon din ang mga mata sa field. Who is he? What is he doing here? At bakit kinakausap niya ako? Does he know me?

Umusog ako ng konti palayo sakanya at humalakhak siya nang mapansin iyon.

"Someone told me na may babae rawng tanong nang tanong kung ano ang nangyari kagabi and it happens to be you, Meadow Escalante." he suddenly looked at me and stared at my eyes. "Totoo ba?"

I got caught off guard. Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat and thankfully, my mind started working again after a couple of minutes. Ilang beses akong napakurap habang nag-iisip ng isasagot and what came out of my mouth sounded really stupid.

"Pa'no mo nalaman ang pangalan ko? At ano naman sa'yo?"

The corner of his lips rose and slowly turned into a lopsided grin. Kumunot aking noo sa pagtataka kung ano ang laman ng kanyang isip.

"Please tell me I'm not alone."

Nalaglag aking panga sa gulat kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Before I could even say anything, he shifted his gaze into the field once again. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

"Ibig mong sabihin," my words are left hanging in the air. Buti at mukhang pareho ang takbo ng utak namin ngayon at ipinagpatuloy niya.

"Yes, I also remember what happened last night. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala silang maalala at tayo mayroon."

"'Yan nga rin ang ipinagtataka ko. This field was filled with bodies last night. I even saw my friends use absolute violence against other students." parang kinurot ang puso ko nang maalala ang ginawa nina Almira at Dech. Parang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin dahil sa nangyari kagabi.

Matagal ko nang kaibigan sina Almira at Decharon. Mula pagkabata ay kilala ko na sila at laging kasama. Hindi ko inaasahang magbabago pala ang bagay-bagay pagpasok namin sa eskuwelahang ito.

"I lost my friends last night too. Ang ilan sa kanila ay matagumpay na nakakuha ng card at ang ilan naman ay hindi naging mapalad at naabutan kong duguan sa sahig." aniya sa seryosong boses.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Gaya ko, malamang ay nasasaktan at natatakot siya sa nangyari na hindi malabong maulit.

"I-Ikaw, may nakuha ka bang card?" I asked out of the blue. Umiling siya, not tearing his eyes off the field.

"Isinuko ko ang card na mayroon ako, hoping that it'll stop them kaso hindi iyon ang nangyari. Lalo lamang nagkagulo." hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdiin ng kanyang hawak sa bote kaya nasira ang porma nito.

"Ikaw ba?" pagbabalik niya ng tanong sa akin.

"Isinuko ko rin ang card na mayroon ako. Ni hindi ko alam kung pa'no iyon napunta sa'kin. Basta na lang siyang sumulpot sa bulsa ko."

"'Yong akin bigla lang din nasa bulsa ng pantalon ko eh. Saka ko lang napansin nang halos makipagpatayan na ang kaibigan ko para lang makuha 'yon."

Parang iyong nangyari sa amin ni Dech...

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon