Capitulo 2

46 2 0
                                    

Card Hunt

"Take your seat. We'll be starting our orientation."

Tumango ako at nakayukong nagtungo sa aking upuan. I glanced at my friends but they're unusually silent and unaware of my presence. Anong nangyayari?

"Good afternoon everyone and welcome to Academia de Hellion! I am Miss Ladda, your temporary teacher."

Temporary? Bakit temporary? Ano bang nangyayari?

"The school has a system called Caste and obviously, may pinakamataas, mababa, at pinakababa."

Palihim kong iginala aking tingin ngunit wala pa ring pagbabago sa aking mga kaklase.

"May problema ba, Miss Escalante?"

I shrieked and nervously looked at Miss Ladda. Nakataas ang isa niyang kilay habang nanunuyang nakatingin sa akin.

"W-Wala po."

"Then pay attention. Ikaw lang ang tingin nang tingin kung saan. Tignan mo ang iyong mga kaklase, nakikinig sila nang mabuti sa akin."

Nakikinig nga ba? They look like they've been forced to do it like they're manipulated or something pero imposible naman iyon di ba?

Bagaman puno ng pagtataka ay ginaya ko na lang ang kanilang posisyon at nakinig na lang din ako nang mabuti. Kinuha ko aking notebook at binuklat ang ilang pahina. Hinanap ko ang class schedule at nakitang wala ni isa sa mga subject teacher namin ang may pangalang 'Ladda.'

What the...

"To be able to enter the divisions, you need to look for cards with corresponding colors. Blue for the highest, then green, and yellow."

Muli kong inilibot aking tingin ngunit walang nagbago kina Dech, Almira, at iba naming kaklase! What is the meaning of this? 'Yong nasa flyer? It's real?!

Blue... Green... Yellow...

Unti-unting nanlamig ang katawan ko nang may mapagtanto. Those colors... those freaking colors! They represent those divisions on the paper!

Nang mag-angat ako ng tingin, nanlamig pa ako lalo nang nagtagpo ang mga mata namin ni Miss Ladda!

"A problem, Miss Escalante?"

"You..." nanginig nang sobra ang boses ko. Marami akong gustong sabihin pero parang umurong ang lahat ng ito pabalik sa lalamunan ko.

"Yes?" mapanuya niyang tanong at ngumisi nang nakakaloko.

Humigpit ang hawak ko sa aking ballpen and I swear! I'm gonna get out of here! I'm gonna get out of this warped place! I'm gonna-

Sinulyapan ni Miss Ladda ang kanyang relo at,

"It is already midnight, five minutes from now, you'll all be out to look for the cards."

Dahil sa sinabi niya'y agad akong napatingin sa labas at halos malaglag ang panga ko nang makitang madilim na nga sa labas! No shit what the hell is happening?!

"Four minutes... "

Napatingin ako kay Miss Ladda na nakangisi habang nakatingin sa kanyang relo. Hindi ko alam. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko may masamang mangyayari anong oras mula ngayon!

I know that we have to get out of here pero hindi ako makakilos! Something is pinning me down on my seat!

"And oh, I forgot to mention, violence is allowed in the card hunt. Enjoy!"

At eksaktong pagkatapos ni Miss Ladda na magsalita, tumunog ang isang nakakapangilabot na bell at nagulat na lang ako nang halos sabay tumayo ang lahat at nag-unahan sa paglabas ng classroom!

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon