Capitulo 16

16 0 0
                                    

Odd or Even

As a measurement of what?

Halos sabay kaming nagkatingnan nina Pharell at Daiki sa isa't isa tapos sa aming mga kaklase. We're perfectly grouped into three kaso hindi ang groupings ang inaalala ko.

Anong gagawin namin? At kung hindi namin mapagtagumpayan ang activity, anong kapalit?

Kumilos ang lahat at hinawi ang mga upuan na nasa gitna pero nagpaiwan si Miss Lauv ng walong upuan para raw sa mga representante ng bawat grupo. Dahil utos niya, hindi magiging violation kung uupo ang isang estudyante mula sa ibang dibisyon sa upuan ng iba.

She asked us to pick a single representative out of our group para maging manlalaro while the remaining members are asked to stay on the side or back.

The other students are now discussing their groupings at rinig ko pa ang isang emperian na nagpasalamat na nawala iyong isa nilang kasamahan kanina.

"Tangina naman neto," pabulong na mura ni Pharell sabay kamot sakanyang batok.

Napapunas naman si Daiki sakanyang noo sabay hinga ng malalim. "S-Sino ang representative natin?"

"Mag pompyang na lang tayo. Kung sino ang ma iba, siya ang magiging representative." suhestiyon ko.

Napatingin silang dalawa sa'kin tapos tumango.

"Here goes nothing," ani Pharell sabay baba ng kanyang kamay. Binaba rin ni Daiki ang kanyang kamay tapos huli ang akin.

"On the count of three..." I whispered.

"One... Two... Three..." and we separated.

"Oh shit..."

Agad akong nakahinga nang maluwag nang makitang si Pharell ang naiiba sa amin. 

"Y-You can do this, man." kinakabahang tinapik ni Daiki ang balikat ni Pharell na mukhang malapit nang maiyak sa resulta.

"Stop it. Kinakabahan ako lalo eh," si Pharell na madramang tumingala at humugot ng malalim na hininga.

"Kaya mo 'yan," pilit pagpapalakas ng loob na sabi ko dahil talagang hindi namin alam kung ano ang aasahan.

Paano kung mangyari iyong nangyari kanina? We haven't seen that emperian since then.

"Is everyone done with grouping, yet?" tanong ni Miss Lauv sa lahat.

"Yes, Miss," sagot ng isang emperian.

Ngumiti si Miss Lauv at naglabas ng isang kulay itim na kahon. Inilapag niya ito sa lamesa na nasa gitna ng walong upuan na pa-arko ang ayos at binuksan. Tumambad sa amin ang isang dice at grey cup. Akala ko doon na nagtatapos iyon kaso may inilapag din siyang maliliit na buzzer sa bawat upuan.

"Players, please step forward and take a seat. I'll be explaining our activity now." nakangiti niyang sabi sabay turo sa mga upuan.

Pharell looked at Daiki and me before going to his seat. We cheered him on from behind and listened to Miss Lauv's explanation.

"I have here a cup and a dice. If you're familiar with the dice game in casinos, it is similar to it. I will put the dice inside the cup and shake it. Then, the moment I drop the cup, instead of betting a high or low, you'll simply bet if the number on top is an odd or even."

Nag-demonstrate si Miss Lauv at binagsak nang pabaliktad ang cup sa lamesa. Dahan-dahan niyang inangat ang cup at nagpakita ang tatlong tuldok sa ibabaw ng dice.

"We'll have a total of eight rounds. After I drop the cup in the table, press the buzzer and each state your answer. Do not remove your hands from the buzzer until the correct answer is revealed. If you guess correctly then you can proceed to the next round, but if you lose..." malagim siyang ngumisi at muling tinakpan ang dice. 

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon