Capitulo 3

30 3 0
                                    

Warning: Gore Content

--

Heads

"Miss? Wake up. Bakit dito ka natulog at anong nangyari sa suot mo?"

Naalimpungatan ako sa isang boses. I slowly opened my eyes and nothing but blur flashed before me. I blinked a couple of times at naging malinaw din aking paningin.

Napaupo ako nang wala sa oras nang tumambad sa akin ang isang lalaki na naka-uniporme. May ilan siyang kasama na napapantastikuhang nakatingin sa akin.

Agad kong inilibot aking tingin sa paligid only to find out that it's already morning. Tumayo ako at tumakbo papunta sa field only to find it clean and green once again. No bodies, no blood.

"Ah Miss, ayos ka lang ba?"

Nasapo ko aking noo. Everything that happened, was that a dream? Bakit walang mga katawan? Why are they talking to me as if nothing happened?!

"Miss anong section ka ba? You can go and change and we can just tell your teacher."

Teacher? Tell my teacher?

Umikot ako upang makaharap sila. Napaatras pa ang iba dahil sa aking ginawa pero wala akong pakielam.

"May naaalala ba kayo sa nangyari kagabi? Nasaan ang mga katawan? Bakit kayo ganyan? Bakit parang wala lang sa inyo ang lahat?!"

I couldn't help but raise my voice. Something is wrong here!

Tumabingi ang kanilang mga ulo, nawiwirduhan sa sinabi ko.

"Kagabi? Nasa dorm lang naman kami at gumagawa ng gawain at anong katawan ba ang sinasabi mo? Did you have a bad dream?" the boy's forehead creased.

What the hell is going on? Bakit wala silang maalala?! 

"Hindi ba't inutusan tayong maghanap ng card?! Don't you remember? Blue, Green-" nabitin sa ere aking sasabihin nang bigla niyang hugotin mula sakanyang bulsa ang tinutukoy ko.

"Ito ba?" he waved his green card before me at nalaglag na lang ang panga ko sa gulat. "Ibinigay ito sa akin kanina. Ito raw ang magsisilbi naming ID para maka-access sa aming division at higit sa lahat, bawal itong mawala. Wala ka ba nito?"

What access? What bullshit is he talking about? At anong ibinigay? I bet he killed or fought someone for the sake of that card! Walang silbi ang pakikipag-usap sa kanila lalo na't wala naman silang naaalala.

Walang imik ko silang tinalikuran at mabilis na naglakad palayo. Though I can hear him constantly calling out to me, hindi ko siya nilingon at ang mabilis kong paglalakad ay naging takbo papunta sa dorm.

Everyone seems to be moving fast and forward, ako na lang ang hindi. If I want to find answers to my questions then I need to move my ass too. Pero paano? It's like everything was magically manipulated!

Hindi ako nagtagal sa banyo. Mga sampung minuto lang ang aking pagligo at agad akong nagbihis. I didn't even bother to fix my hair like how I usually do dahil agad ko nang tinahak ang daan papunta sa klase.

I wonder how my friends are doing? May naaalala kaya sila o wala rin? Kung mayroon silang naaalala, it could be really helpful and disadvantageous at the same time. Not to mention na pinagtangkaan ni Dech ang buhay ko.

"Meadow! Bakit ka late? Anong nangyari sa'yo?" nilapitan ako ni Decharon na mukhang walang tinamong kahit ano mula kahapon. 

I instinctively backed away earning a concerned look from her. Dech is my friend and I love her pero hindi ko lang talaga magawang alisin nang basta-basta sa isip ko ang nangyari kahapon eh. She stabbed someone with a nail! At kamuntik niya na rin akong nasaksak gamit ang kaparehong pako!

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon