Capitulo 19

10 1 0
                                    

Fifteen

"15?!"

Parang gusto kong mahimatay!

"What the effin fuck?"

"Tanginang Gov 'to binibitin tayo sa numero! Hahahaha!"

"Ugh, seriously. He's the human bad luck!"

"Pinagtitripan yata tayo ni Gov eh."

"Kating-kati ba siyang patayin tayo? Hahahaha!"

'Yan ang usap-usapan ng mga seniors sa likod. Pilit kong pinatibay aking loob pero nanghihina talaga ako ng sobra. Ang liit-liit ng 15 kumpara sa 35, 40, at 45. 

May mahuhuli pa bang taga-ibang dibisyon ang Red District pag nagkataon?

"How daring, Red District! To actually pick a small number... I guess we're all curious about how this game will turn out?"

"YESSSS!"

"START NA!"

"Chill, ladies and gents! For now, divisions will be given ten minutes to pick their players. After that, the players will proceed to the field for further instructions and handing out of gears. Game?!"

"GAMEEE!"

"Now let the ten-minute preparation start!"

Mabilis na nagsikilusan ang mga dibisyon. Kanya-kanya silang puwesto sa kanilang mga bleachers habang kami naman mga freshmen ay umakyat ng konti para marinig ang mahinang usapan ng seniors.

Nagsimula kaagad ang diskusyon at may mga bagong mukha na naman akong nakita. Mga seniors na bago sa aking paningin at halos may takip ang mga odigia.

When did they get there? Nasa pinakababa ako pero hindi ko man lang napansin na may ibang umakyat sa itaas?

"Sinong ipapadala natin?"

"Seniors na lang."

"But what if this is a trap? Kung puro seniors ang ipapadala natin at trap nga ang larong ito, we could lose the powerhouse of our division."

"Yes but the more the seniors, the higher chances of survival and getting people from other division too. We know the forest better than other divisions."

"Ako, I volunteer." nakangiting sabi ng senior na si Parker sabay ikot sa dala niyang bola.

"Ako rin," segunda ni Avreid ngunit mabilis siyang binara ng babaeng malapit sakanya.

"Pabigat ka lang, Avreid."

"Hoy Alissandra ang sama mo sa'kin ah!" nanlalaki ang mga matang buwelta ni Avreid. 

Hindi ko makuha kung ano ang nasa pagitan nilang dalawa pero nagtawanan ang mga senior na tingin ko ay may matataas ding ranggo base sa kanilang mga odigia na iba sa odigia ng mga goombah.

"Hindi kailangan ng team natin ng lumpo."

"Eh ikaw nga dahilan kung bakit nalumpo... ang ..."

"Anong sabi mo?"

"I volunteer nga kasi!"

"Hahahahahaha!" muli na namang nagtawanan ang seniors.

Okay... I kinda get it now?

"Hayaan mo na, Liss. Malay mo mahuli 'yan, huwag na nating tubusin." bulong ng senior na nagtulak ng aming kariton kanina. Si Castania.

Ngayon halos lumuwa na talaga ang mga mata ni Avreid. 

"Hoy parang kating-kati kayong idispatya ako ah? Anong ginawa ko sa inyo, ah? Anong kasalanan ko sa inyo, ah? Bad trip kayo ah?!"

"O pare, ang blood pressure mo tumataas," tatawa-tawang singit ni Parker.

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon