Capitulo 11

19 1 0
                                    

Stations

Out of twelve, walo lang kaming matagumpay na nakalabas sa maze. Bagaman pagod ay hindi maitago ang pagpapanic ng karamihan sa amin. 

There was a dead body at the entrance of the garden, tapos ngayon malalaman namin na duguan ang talampakan ng mga suot naming sapatos? 

So ano pala 'yong mga naapakan namin kanina sa loob ng garden? Parang gusto kong sumuka dahil sa sumagi sa aking isip!

Tahimik pa ang lahat at kanya-kanyang habol ng hininga nang makarinig ng kaluskos ng mga dahon. Palakas nang palakas ito at mukhang papunta sa kinaroroonan namin!

"Mayroon ba kayong lighter?!" a fellow freshman asked in a panicky voice!

"Sinong may lighter diyan?!"

"Boys, baka mayroon kayo?!"

"No, duh! I don't smoke!"

"S-Shit!"

"N-Nawala 'yong akin nung first day,"

"A-Ang akin din,"

"Fuck! We're doomed!"

Nagpapanic na kaming lahat. Palakas nang palakas ang mga kaluskos na iyon at hindi namin masyadong maaninag ang garden dahil natatakpan na ang buwan ng mga ulap! 

Kanda kapa ang mga boys sa kanilang mga bulsa baka sakaling may mahanap na lighter nang biglang umilaw ang hawak na kandila ni Devron at sumunod ang amin!

"Okay. What the hell?" gulat at takot na sambit ng isa sa amin.

"Dev, may lighter ka?" hindi siguradong tanong ni Perona.

Umiling si Devron, seryoso ang mukha. "Hindi ako nainigarilyo kaya wala akong lighter."

Alam kong sa oras na ito ay nangingibabaw na ang takot sa aming lahat. Bangkay, biglang pagkamatay ng mga ilaw sa kandila, at biglang pagbabalik. The cold night wind blew once again and it sent shivers to my spine.

Wary of what was coming, we moved closer to each other and made sure that the fire on our candles remain ablaze. Nakatutok kaming lahat sa exit ng Stygian Garden at halos mapakaripas ng takbo nang lumabas mula doon ang anim na seniors na nakatoka sa paghuli sa amin habang kasa-kasama ang apat pang freshman na may piring.

Hindi nagsalita ang seniors. Basta na lang nilang ipinaubaya sa mga biglang sumulpot na miyembro ng Red District ang apat naming kasamahan. Wala rin ni isa sa amin ang nakuhang magtanong. Masyado kaming takot. At hindi rin nakakatulong ang masamang tingin ni Avreid sa partikular na grupo ng tatlong lalaking freshman.

"Congratulations on making if out of the garden," anang isang boses mula sa aming likuran. Halos sabay kaming umikot at humarap sa may-ari ng boses na iyon. Ibang tao na naman ito pero namukhaan ko siya kanina kasama iyong babaeng may wolf-cut.

Wala pa rin ni isa sa amin ang nangahas na magsalita. Parang ngayon pa lang kasi unti-unting nagsi-sink in sa akin ang nature ng dibisyon na ito. Gusto kong magsisi na sinubok ko pang puntiryahin ang pula sa dart board pero batid ko ring huli na para pagsisihan ang desisyong ito. At kung aalis ako, saan naman ako pupulutin?

"The four captured freshmen will be given another initiation rite. Should they choose to continue then we'll facilitate their rite. Should they choose to quit, then they'll automatically be sent to the Yellow Bracket."

Napalunok ako ng matindi.

"As for you freshmen who successfully made it out of the Stygian Garden, you shall now proceed to your next and final rite." nakangiting sabi ng babae. 

Bigla siyang lumingon sa kaliwa at mula doon ay nagsilabasan ang walong panauhing may bitbit na itim na piring.

"Each of you shall be blindfolded and placed on different stations within the Red District's grounds. The rule is to protect your flag stick, never let the seniors steal it, stay awake till morning, and answer our questions with utmost honesty. You are not allowed to remove your piring unless told to do so. Was that clear?"

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon