Capitulo 12

19 1 0
                                    

Vow

Biglang may humawak sa magkabila kong braso sabay hila nang marahan. Nagpatangay naman ako at sumabay sa lakad ng mga ito. May mga pagkakataon pang muntik akong natalisod kung hindi lang dahil sa mga may hawak sa akin.

Our walk took a couple of minutes and I felt reunited with the other freshmen when I heard their voices. Magaan silang nag-uusap at nilalasap ang pinaghalong init at lamig ng hangin. Ilang sandali pa ay pinahawak kami sa isang tingin ko ay lubid at nagsimula kaming umusad.

I can't deny the comfort that I felt from meeting with the others. Ganunpaman, hindi ko rin maiwasang isipin kung ano ang itsura ng lugar na pinaglagyan sa amin kagabi. Ano iyong mga lumilikha ng kalansing ng kadena? Iyong mabababang angil na tila nagbibigay babala o banta?

Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay biglang umere ang isang nakakakilabot na tunog ng kampana. Iyong tipong makaluma at matatagpuan mo lang sa mga simbahang itinatag nung kapanahunan ng pananakop ng mga Espanyol. Hayon din ang tunog ng mga nagsiliparang ibon at pagsayaw ng mga dahon.

Habang tumatagal, palakas nang palakas ang tunog ng kampana at iba ang dulot nito sa kaluluwa ko. Parang gusto kong mahimatay na ewan. Parang minu-minuto ay may lalabas na mga elemento upang bulabugin ako.

Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Sa tingin ko ay karamihan sa aming mga freshman ay iniinda ang antok, ngalay, at pananakit ng katawan mula kagabi. Ang mga seniors naman ay kataka-takang tahimik din. Hindi sila nagbabatuhan ng insulto at biro, bagay na madalas naming na-witness sa kanila.

Ilang minutong lakad pa at ang medyo mamasa-masa at malambot na lupa ay napalitan ng sementong patag. Medyo naging komportable rin aking paglalakad dahil hindi ko na pigil ang sarili na madulas.

Tahimik pa rin ang paligid. Sobrang tahimik. Maliban sa kampana at iba pang natural na tunog ay wala na talagang maririnig.

Pero bakit ganon? Wala nga akong marinig pero pakiramdam ko ay marami ang nakatingin sa amin? Pakiramdam ko ay marami ang nagmamasid sa aming mga nakatapos ng rites ng Red District?

Maya-maya lang ay pinatigil kami ng seniors sa paglalakad. Sunod naman nilang ginawa ay ipinosisyon kami nang maayos upang makaharap sa kung saan. Suot pa rin namin ang blindfold at hawak ang mga flag stick. Maaari lang daw naming tanggalin ang blindfold kapag iniutos na. 

Then suddenly.... someone spoke.

"Seven pillars of the Red district."

"Trust."

"Independence."

"Valor."

"Unboundness."

"Resilience."

"Omerta."

"And Loyalty."

Ano raw? Anu-ano ang pinagsasabi ng taong iyon? Hindi ko naintindihan!

"Gathered here are the neophytes bound to become a part of the Red District. Let us uphold the seven pillars that bind us together and continue to do our duties to one another. By the power vested upon me by the Capo dei capis, executives, and goombahs, I'll say it once, won't repeat it twice. Loyalty binds us all with the newly proclaimed members of the Red District!"

Kasunod ng anunsyong iyon ay ang malakas na hiyawan ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ang pinagbabato nila sa amin basta may naramdaman akong mabango at malambot na bagay na tumama sa mukha ko. 

Ang sunod namang nangyari ay hindi ko inasahan. May itinapat na kung ano sa aking labi ang isang senior at kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano iyon. Bagaman may matamis iyong amoy, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaba.

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon