Capitulo 5

27 1 0
                                    

Whip

A division of my choice? Ano nga ba ang pipiliin ko? Hindi maganda ang naging simula ko sa Green Fortress at ayaw ko namang mapabilang sa grupo ng mga kriminal sa Red District.

"Meadow anong iniisip mo?" napalingon ako kay Almira nang itanong niya iyon.

"Napapaisip lang kasi ako kung anong division ang gusto ko." matapat kong sabi total hindi naman malaking sekreto ang dibisyon dito. Parang ako na nga lang ang umaasa na mawala 'yon eh.

"Isip? Wala pa bang sa'yo? Mayroon na kami ni Dech, akala namin mayroon ka na rin?"

Nagtagpo aking mga kilay dahil doon. Malamang mayroon ng kanila, nakita ko nga silang gumawa ng krimen dahil doon pero kung sasabihin ko 'yon sa kanila, iisipin lang nila na nababaliw ako.

Sinundan ko ng tingin ang kamay ni Almira na may kinuha mula sakanyang wallet at hindi na ako nagulat nang ipakita niya ang kulay asul na card. She got it from hurting someone else!

"I'm with the Blue Empire, Meadow!" she squealed. Kung tutuusin, mula nga naman sa mayamang angkan si Almira. Out of us three, siya ang may pinaka may kaya.

"As for me," isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dech at ipinakita sa akin ang kulay dilaw na card. Yellow Bracket. "I don't wanna be a slave, you know?" iritadong aniya sabay irap sa ere.

Teka, slave?

"Huwag kang mag-alala Dech, sisiguraduhin kong mapupunta ka sa akin!" tukso pa sakanya ni Almira.

"Heh!"

"Papagurin kita sa mga utos ko, Dech!"

"As if!"

"Hahahahaha!"

"Eh pa'no kung wala pang division?" anong mangyayari sa'kin?

Natigil ang dalawa sa pagbabangayan at nagkatinginan.

"Seriously Mead you're being weird. Saan-saan ka ba nagpupunta at hindi ka updated?" kunot-noong sabi ni Dech.

"Ha?" lito kong tanong. Bakit, may anunsyo ba tungkol diyan?

"Kung wala ka pang division, then you have a week to join one pero kapag hindi ka nakasali sa kahit ano, diretso ka na sa division ko, girl."

"Ano?!" 

Sa Yellow Bracket? Eh hindi makatarungan ang dadanasin namin doon! 'Yong nangyari pa lang sa hagdan nung nahulog ako eh! At hindi ko naman kakayanin ang maging isang Emperian na tingin sa sarili ay sobrang taas!

"Ayaw mo? Magkakasama tayo!" ngumiti pa si Dech, animo nae-excite sa kanyang ideya.

"Pero-" ang sabi niya ay 'slave' ang yellow. Sinong gugustuhin maging slave? At sa wirdong paaralan pa na ito!

"Pero!" itinaas ni Dech ang isang daliri sa ere. "Kung makakasali ka sa Empire or Fortress, then hindi ka mapupunta sa Bracket!"

"What about the Red District?" wala sa sarili kong tanong.

Namilog naman ang mga mata at labi ni Dech sabay tigil sa pag-inom ng juice. "Oh my gosh girl interesado ka maging kriminal?!"

Inismiran ko siya. The irony. To think na siya itong may sinaksak ng pako para sa isang card! And it's not like I'm all for the Red District, masyado lang talaga nagleave ng impression sa akin ang school nurse. Isa pa, walang pulang card nung gabing iyon kaya hindi ko maiwasang isipin kung ano ang parte ng Red District sa lahat ng ito?

"Hindi no, siraulo ka."

"Hahahaha! But I've heard na may unique way daw ang Red District sa pagwe-welcome ng bagong miyembro." dagdag pa ni Dech.

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon