Capitulo 10

2 0 0
                                    

Stygian Tag

"S-Something's in the way!"

Tumambad sa aming harapan ang isang duguang bangkay kasabay ng pag-ihip ng pang-gabing hangin at pagkamatay ng ilaw sa aming mga kandila. Ilang segundo lang at...

"AHHHH!"

"OH MY GOSH!"

"I WANNA GO HOME!"

"FUCK!"

Nagdulot ito ng matinding pagpapanic kaya nabuwag kami at nagkanya-kanyang takbo sa loob ng Stygian Garden. 

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Ano 'yon? Bakit may bangkay dito sa garden? Don't tell me... marami pang bangkay dito? O 'di kaya ay dito nila dinala ang lahat ng namatay kaninang umaga?!

"Shit," kinilabutan ako ng todo nang may naapakang kakaiba. May kalambutan ito at medyo madulas. Gusto ko sanang dungawin pero mas nangibabaw ang takot ko kaya patuloy na lang ako sa pagtakbo!

Kung hindi siguro dahil sa mga bulaklak ng garden, paniguradong mangingibabaw ang nakakasuka at masangsang na amoy nito.

"Mead!" I heard Devron's voice call out to me dahil nahuhuli na ako sa kanilang dalawa.

I tried to run faster kaso ay nalagay naman sa alanganin ang stick na dala ko. Sumabit kasi ito sa isang sanga kaya kamuntik ko na itong nabitawan.

"Eight more minutes!" a senior's voice echoed from somewhere. Walong minuto na lang bago pumasok sa Stygian Garden ang mga seniors na dadakip sa amin!

Sa wari ko ay malayo na aking natakbo pero dahil hindi ko alam kung gaano kalaki ang garden ay kinabahan lang ako lalo!

"Meadow!" Perona called me out this time.

Nagtiim aking bagang at napagdesisyunang bilisan ang takbo kesedohang gumewang aking mga paa dahil sa kung anu-ano na aking natatapakan. Madilim na pero hindi rin ito masyadong hadlang dahil sa unti-unting nagpapakita ng bilog na buwan. Then suddenly...

"AHHHH!" 

A spine-chilling scream came out of nowhere. Kasunod nito ay ang tunog ng pagkahulog sa kung ano.

Shit. Are there also traps in here?

Tinignan ko ang walang ilaw ko ng kandila sa bawat mabilis kong apak sa lupa. Sa dulo ay tanaw ko na sila Perona na bahagya akong nililingon ilang minuto ang pagitan.

"Has anybody found the exit yet?!" sigaw ng isang freshman mula sa kung saan. Base sa lakas ng kanyang boses, mukhang mas nahuhuli pa ito kaysa sa akin!

Walang sumagot sa tanong niya. Kung mayroon mang maririnig sa loob ng garden sa sandaling ito, iyon ay ang mabibilis na takbuhan, marahas na pagkakabangga sa mga nakakorteng halaman, paghingal, at tunog ng mga insekto. Lahat ng iyon ay pinaghalo.

"AHHHH! H-HELP ME!" muli na namang umugong ang isang sigaw kasunod ng tila pagkahulog!

Kunot-noo akong nagpatuloy sa pagtakbo bagaman ang kalooban ay nagtatalo kung tutulungan ba ang taong iyon o hindi! 

Tss! Anong tutulungan, Meadow? Nahuhuli ka na nga sa pagtakbo, magagawa mo pang lumihis kila Perona at tumulong sa ibang tao?! 

"W-Where are you?!" sa wakas ay may sumagot doon sa sigaw na aming narinig!

"F-Follow my voice!" 

"Alright, papunta na ako!"

Ang dinig kong sagutan ng magkabilang panig. Mula sa kalayuan ay may narinig akong marahas na paggalaw ng mga halaman. Sa tingin ko'y ito ang kasamahan naming tutulong sa taong sumigaw kanina lang! 

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon