Capitulo 14

17 1 0
                                    

Red District

Gaya nga ng sabi ni Gaylord, nagtungo kami sa Kalye Armenteros pagkatapos naming kumain. Halos dumikit ako kay Perona papunta doon dahil kasabay naming naglakad ang grupo ni K.

Akala ko ay sa labas pa rin kami pero pagdating namin, pinapasok kami sa gothic-inspired na building at hindi ko naiwasang mamangha. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa strukturang ito at sobrang ganda niya talaga. Parang iyong mga nasa pelikula na pinaghalong royal palace at gothic vibes ng bampira.

Pagkapasok na pagkapasok mo ay sasalubungin ka ng isang engrande at carpeted na hagdan. Sa itaas naman ay isang malaking pabilog at babasaging chandelier.

Marble ang sahig pero may mga area na pinaghalong itim at puti, parang isang malawak na chessboard. Bukod doon, marami-rami ring sculptures sa loob at mga portrait. Nahinto pa ako sa paglalakad nang mabasa ang pangalan ng isa sa mga portrait.

'Ambrose Walter N. Armenteros...'

Armenteros? Kagaya nung Kalye Armenteros? Bakit sakanya ito nakapangalan? O nagkataon lang bang ganoon?

"Meadow!" mahinang tawag pa sa 'kin ni Perona nang napansing nahuhuli na ako sa kanila.

Hindi ako sumagot. Muli kong tinignan ang makalaglag-pangang painting bago sumunod kina Perona.

Sa aking isip ay andon pa rin ang imahe ni Ambrose. Naka-suit ito na kulay beige at may suot na dark brown fedora hat. May pagka moreno siya at mukhang may lahi. Kakaiba ang kulay ng kanyang mga mata, parang ginto, at bagaman maganda ay nagdudulot ng kakaibang takot.

Muli ay may nadaanan na naman kaming portrait ng isang lalaki at gaya ni Ambrose ay naka suit din ito at may suot na fedora hat. Pero 'di gaya ni Ambrose, magaan ang pakiramdam ng isang 'to. Hindi naman siya nakangiti pero ang kanyang mga mata ay mukhang masaya at buhay na buhay.

Akmang titingnan ko pa lang sana ang kanyang pangalan nang hilahin ako ni Perona dahil talagang nahuhuli na ako sa kanila. Wala akong ibang nagawa kundi ang magpatangay at lagpasan ang iba pang portrait na nadaanan namin.

Sa dulo ng hallway ay may isang malaking pinto. Sa labas non ay may dalawang tao na naghihintay. Pinaghalong pula, grey, at itim pa rin naman ang kanilang suot pero kakaiba ang disenyo. I wonder if anong uri ng uniform ito? Kasi nung nasa dorm kami nina Dech at Almira noon, ibang disenyo rin ng uniporme ng Red District ang nakita ko.

Almira... Dech... sana ayos lang kayo.

Nang mahinto kami sa harap ng pinto ay agad pinakilala ni Gaylord ang kanyang sarili sa mga bantay. Hindi nagsalita ang mga ito at basta nalang tumango saka kami pinagbuksan ng pinto.

Pagkabukas na pagkabukas ng mga pinto ay hindi ko na naman naiwasang mamangha. Malaki ang silid at gothic talaga ang disenyo mula sa mga pillar, bintana, chandelier, ceiling, mouldings, statues, at furniture. Pakiramdam ko ay nasa makalumang panahon ako at anumang oras ay makakaharap ang isang bampira.

May bookshelves sa loob na gawa sa kahoy at may glass cover. Mayroon ding lamesa kung saan may nakapatong na iilang kagamitan at malapit lang dito ay isang malaking globo. Sa harap ng lamesa ay hanay ng mga cushioned leather seats tapos malapit sa malalaking bintana ay iilang indoor plants. Carpeted ang area malapit sa table and the overall setup somehow reminds me of an office.

"Take a seat," ang nakangiting sabi ni Gaylord sa amin.

Sumunod naman kami sakanyang utos at nagkanya-kanyang upo. Nang makitang ayos na aming posisyon ay sumipol si Gaylord at biglang bumukas ang isang secret door sa bandang silangan ng silid. Mula doon ay pumasok ang tatlong panauhin na may tulak-tulak na board at clothes rack.

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon