Capitulo 7

27 1 0
                                    

Assembly

Tumunog ang isang napakalakas na alarm at biglang nagsisulputan ang napakaraming puwersa ng Green Fortress.

"Fortreians! Round them up! Bring them to the Obsidian Guildhall!"

"Sir, Yes Sir!"

"W-What's happening?"

"Where are you taking us?!"

"Let us out!"

"Let me go! I wanna go home!"

Unti-unting gumapang ang lamig sa aking katawan habang pinapanood ang kapwa ko first years na dakpin ng mga taga Fortress.

"M-Mead... natatakot ako," gumaralgal ang boses ni Dech kaya hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay. Nang lingunin ko naman si Almira ay tulala siya. I gave her hand a gentle squeeze at doon pa lang siya napatingin sa akin. A lone tear then escaped her left eye.

"Dakpin ang lahat! Walang ititira! Issue a summons to all the divisions and require their presence at the Obsidian Guildhall!"

"Sir, Yes Sir!"

Dahan-dahan akong umatras at hinila sina Dech at Almira pasabay sa akin. Ano ba kasi ang Obsidian Guildhall na iyan? Bakit nila kami dadalhin doon? Are they also goint to execute us? Is the Obsidian Hall similar to what they call the boot camp? 

"Mead..." sa pagkakataong ito ay pumiyok ang boses ni Dech at nasundan iyon ng kanyang pagsinghot.

"S-Shh... We'll be fine, Dech... We'll be fine," ang pilit kong pagpapakalma sakanya kahit abot-langit din ang kaba ko!

Kung saan-saan ako luminga para humanap ng mapagtataguan kaso ay nahagip kami nung Fortreian na nagbibigay ng utos kanina! Shit!

"You over there! Stop!" ang gigil niyang utos habang nakaturo sa amin! At nang hindi kami sumunod ay lakad-takbo na siyang lumapit sa amin habang sumisigaw ng "Get them!"

"Fuck!"

Ang unti-unti naming pag-atras ay naging takbo. Pilit kong hinila ang dalawa para makalayo kami pero sa kasamaang palad ay nadapa si Almira kaya napabitaw siya sa'kin!

"Almira!" I ran to get her. Papalapit nang papalapit ang mga taga Fortreian at may dala-dala silang baton!

Humagulgol si Almira at pinilit na makatayo bagaman may sugat na sa tuhod. Iniakbay ko ang kanyang braso sa akin saka siya mabilis na inakay nang matigilan naman ako dahil sa sigaw ni Dech.

"Ahhh!"

"Tatakbo ka pa, ah?" ang gigil na sabi ng isang lalaking Fortreian habang hawak-hawak sa buhok si Decharon!

"Ahhh! Tama na, please!" ang hagulgol ni Dech habang pilit pinagpapalo ang lalaki!

"B-bitiwan mo siya!" sigaw ko doon sa lalaki na nanlilisik pa ang mga matang lumingon sa akin!

"Get them!" may nilingon siya sa kaliwa habang nakaturo sa amin!

"Stop this please... stop..." umiiyak na bulong ni Almira. 

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naghalo-halo na lang ang lahat. May kaba, may takot, at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit... may excitement.

"Almira can you run?" medyo hirap kong sabi sakanya. Kung magtatagal pa kami rito ay pare-pareho kaming mahuhuli at hindi ko na matutulungan pa si Decharon!

"I-I don't, Mead... I don't know..." humagulgol siya.

Nangunot aking noo habang naghahanap ng maaari niyang pagtaguan. Sakto namang may nakita akong malaking kahoy sa malapit at napapalibutan ito ng matataas at nakakorteng halaman kaya tiyak na hindi siya agad makikita.

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon