Capitulo 13

23 3 0
                                    

Touch

A light nudge on my shoulder woke me up. Masakit ang buo kong katawan at ramdam ko ang pagod pero pinilit ko pa ring magmulat. 

Agad nagtagpo aking mga kilay nang luminaw ang imahe ni Perona. Nakataas ang isang kilay nito at hawak-hawak niya na ulit ang teddy bear niya.

"Hindi ka pa ba babangon?" ang agaran niyang tanong.

"Anong oras na ba?" parang ayaw ko pang bumangon. Malambot kasi ang higaan at malamig.

"I don't know but the seniors are already busy. Maybe it's for breakfast?" tumagilid pa ang kanyang ulo.

"May ipapagawa na naman ba sila sa atin ngayong araw?"

"Malay ko?" sarkastikong aniya at kinuha ang isang unan saka ako hinampas sa hita. "Paano natin malalaman kung hindi ka pa babangon diyan?"

What the fuck?

Sinamaan ko siya ng tingin tapos nagpalipas ng ilan pang segundo bago tuluyang bumangon. Sinuklay ko ang medyo magulo kong buhok at sunod na inayos ang suot.

"Si Devron? Asan?" usually kasi magkasama itong dalawang 'to eh. Parang magkadikit na sila, ganoon.

"He's waiting for us outside."

"Naligo na kayo?"

"Hindi pa. Kakagising lang din namin eh,"

"Okay."

Tumayo ako at nagsuot ng tsinelas saka sumunod kay Perona palabas.

There was a banquet after the ceremony last night. I remember getting a bit emotional for having some good food pero napaisip din ako kung paanong may ganoong pagkain sa loob ng aming division kung bawal namang umalis ng Academia? 

Gusto ko sana iyong itanong pero nawala sa aking isip dahil sa kasiyahan. 

My memories of last night are still vivid. The image of those masked people haunted me like flashes of memories. Memories that I didn't know existed. Memories that I'm unsure why I have.

Baka dala lang sa pagod kaya naisipan kong nakita ko na ang mga iyon noon? Nevertheless, those people didn't grace us with their presence for too long. Mabilis silang naglaho at napalibutan na lang kami ng mga senior na masaya para sa aming dibisyon.

Kalaunan ay naging abala rin kami sa pagbati at pakikipagkilala sa iilang seniors na matagal-tagal na din palang andito. At ang tama raw na itawag sa kanila ay 'goombahs'. Nang itanong ko naman kung bakit, hindi nila sinagot at basta nalang ngumiti.

Basta ang dapat lang daw namin tandaan ay 'goombahs' ang tawag sa kanilang mga ordinaryong senior namin sa division. Ang 'executives' ay para raw iyon sa mga senior na may katayuan sa aming division. Tapos ang 'Capo dei capi' ay pinakataas kaya kailangan naming maging alerto at intindihin nang mabuti kung sakaling may magpakilalang 'executive' at 'Capo' sa amin.

Ganunpaman, ang sabi nila ay may tatlo pang nakakataas na ranggo sa mga iyon at hindi pa nila kailanman nakita ang mga taong napapabilang sa katayuang iyon.

Tinanong pa ni Perona kung puwede bang ipakilala nalang sa amin ang mga panauhing iyon pero ang sabi sa amin ay hindi maaari. 

Dapat daw naming hintayin na sila ang magpakilala sa amin dahil sa pagiging tago ng identidad nila, doon nila kami nasusubok. Halimbawa na lang kung paano namin igalang ang ibang miyembro ng Red District kahit hindi pa alam ang kanilang posisyon sa loob ng grupo.

"Tagal niyo naman," nagkamot ng batok si Devron nung nakita kami ni Perona.

"Si Meadow ang tagal bumangon," naiiling pang sabi ni Perona.

Academia de HellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon