Third Person's POV
"Ang bilis naman kumilos ni insan ni hindi man lang nagpatulong hays"
Pagrereklamo ni Hue habang nakaupo at lumagok ng beer na hawak niya. Tinutukoy nito ang pagligpit ni Dark sa dalawang pulis na kasalukuyang mainit na issue sa medya.
"Ikaw lang naman kasi 'tong makupad bal"
Panunukso ni Light sa kakambal habang nakangiti ng nakakaloko habang pasimpleng inirapan naman siya ni Hue.
"Ano pa ba ang ini expect niyo kay Dark"
Sabat ni Lucid habang naglilipat ng pahina ng librong binabasa. Seryosong seryoso ang mukha nito na akala mo ay nagtutuhog ng sinulid sa karayom.
"Haven't you noticed anything suspicious recently?"
Tanong ni Dark habang nagyoyosi. Alas otso na ng gabi at nakaupo silang apat sa unit ni Lucid sa loob lamang ng campus. Sabay na napatingin ang tatlo sa naging tanong ni Dark.
"What do you mean?"
Magkasalubong ang kilay na tanong ni Lucid na nag aabang ng sagot. Habang nakatingin naman ang nakababata nilang pinsan na nag aantay din ng sasabihin ni Dark.
"Nothing. Anyways, Light try to hack the system of the police station where those policemen were assigned. I doubt there are undiscovered, concealed soft copies—"
"Anong try? Sinasabi mo bang may probability na hindi ko kaya?"
Litanya ni Light na masamang tinitingnan si Dark. Agad namang napaismid si Hue sa naging reaksiyon ng kapatid bago sinagot ang tumatawag sa kanya.
"Ibig niyang sabihin ay kung may time ka, alam kasi naming busy ka din—" —Lucid
"ANO!?"
Sigaw ni Hue na nagpalingon sa tatlo, nanlalaki ang mga mata at halos manginig na ang boses nito.
"Pupunta kami agad! Tumawag kayo ng bombero."
Mabilis nitong pinatay ang tawag at tumayo, habang nakatingin parin sa kanya ang tatlo na nag aantay ng kung ano mang natanggap niyang balita na halatang hindi maganda. Napalunok muna ng sariling laway si Hue bago tinitigan si Dark at nagsalita.
"Insan si Relish natrap sa nasusunog na abandonadong bodega."
Halos manigas naman si Dark sa kinauupuan niya ng ilang sandali, nang matauhan ay mabilis itong tumayo at kumaripas ng takbo papunta sa nasabing bodega. Nangangatog man ang mga tuhod nito ay mabilis parin ang naging takbo ng binata papunta sa nasabing lugar, hinihingal na sa kakatakbo ang apat pagkat nasa magkabilang dulo ng campus ang dormitory at ang nasabing bodega.
May kalayuan pa si Dark ngunit tanaw na nito ang itim na usok at ang naglalagablab na apoy. Tagaktak ang pawis nito na halos nabasa na ang suot niyang damit, napag iwanan na rin nito ang kapatid at mga pinsang kanina ay kasabay niyang tumakbo. Binalot ang binata ng takot habang iniisip ang pwedeng mangyari kay Relish, may iilang estudyante lamang sa paligid at panay ang hingi ng tulong na kaagad na napatigil ng dumating si Dark. Walang pagdadalawang isip na dinamba nito ang pinto ngunit kahit luma ang nasabing bodega ay matibay pa rin ang pinto nito.
Nagliliyab ang mga mata ni Dark at malalaki ang hakbang na nilapitan ang isang babaeng namumutla na habang nakatingin sa binata. Napapikit ito ng itaas ni Dark ang kamay niya para kunin ang hair pin nito sa ulo at kaagad ding tumalikod at bumalik sa pagbukas ng pinto, palaki ng palaki ang apoy habang nanginginig ang mga kamay ni Dark na binubuksan ang kandado gamit ang hair pin.
YOU ARE READING
I made the MOB BOSS Cry
Romance"I've been inlove with you for like 8 years now, who would have thought I'll find you that night. In your dorm. I was hesitant to approach you because I don't want you to get involve of what I had get myself into. I was embarass of who I am now, I'v...