Chapter 17: His Past

6 0 0
                                    

Third Person's POV

Malalim na ang gabi ngunit maririnig parin ang paghangos ng apat na batang lalaki na nakagapos ang mga kamay. Tumutulo ang dugo sa kanya kanyang sugat na natamo. Madumi ang damit pati ang balat sanhi ng mga bagay na ginamit pangbugbog sa kanila.

"Ahhhhhhhh!!!"

Sigaw ng babaeng nakaluphasay sa harapan lang ng apat na batang nakagapos. Sigaw ng pagmamakaawa, sigaw ng nasasaktan.

"Huwag! Ako nalang! Ako nalang!"

Sigaw ng isa pang lalaki na sugatan na din di kalayuan sa babae, hinang hina na nakahandusay, panay ang tulo ng dugo mula sa ulo nito at mula sa iilan pang sugat sa katawan. Panay sa paglunok ng laway ang apat at mahigpit na nakakuyom ang kanya kanyang mga kamay.

"Ahhhhhh!! "

Sigaw ng lalaki sa harapan na ikinapikit ng mga bata, maliban sa isang halos walang emosyong nakamasid sa mga nangyayari. Mabilis na nag unahan ang luha ng mga bata, luha na dulot ng galit at pagkamuhi, ngunit isa ay nanatiling walang emosyon, walang kahit katiting na luha ang tumulo mula sa mata nito.

"Wag! Maawa kayo— t-tama na!—"

"Ako nalang"

Nanghihina ngunit seryosong wika ng batang lalaki. Nasa edad labing anim ito at hindi maipagkakaila ang magandang hubog ng katawan.

"W-wag, Dark ano ba!"

Sigaw ng babae na hindi na makatayo at panay ang higa. Unti unti gumagapang ito papunta kay Dark ngunit hinang hina na ito.

*Bang! Bang!*

Humahangos na bumangon si Dark mula sa pagkakahiga sa kama. Kaagad na sinabunutan nito ang sariling buhok at nanginginig ang mga kamay. Nagbabaga ang mga mata at mukhang papatay ano mang oras. Mabilis itong tumayo at lumabas ng pinto ng makasalubong si Relish.

"D-Dark? Saan ka pupunta? Alas onse na."

Nagtatakang tanong ni Relish at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Dark. Ilang sandali itong napakurap at napalunok ng sariling laway bago tuluyang niyakap ang dalaga.

"Good thing you showed up."

Mahinang wika ng binata habang mahigpit na niyayakap ang dalaga. Sobrang bilis nang kabog ng dibdib at maririnig ang paghangos nito.

Dahil kung hindi, baka may nagawa akong hindi maganda kung sakaling nakalabas ako ng bahay

Sa isip isip ni Dark, ngunit hindi nito binanggit sa dalaga upang hindi mag alala. Samantala, sobrang takot naman ang bumalot kay Relish ng maalala ang ekspresyon ng mukha ng binata. Takot sa maaari nitong gawin, hindi sa kanya ngunit sa sarili nito mismo.

Ilang sandaling nagkayakap ang dalawa at hinawakan ni Relish si Dark pabalik sa kama nito. Tahimik na umupo ang dalawa.

"Do you want me to sleep here?"

Nag aalalang tanong ni Relish habang nakatitig naman sa kanya si Dark na marahang tumango pagkatapos ng ilang segundo. Kaagad na humiga si Relish at pi-nat ang espasyo sa tabi niya. Ngunit hindi inaasahang gumapang si Dark palapit sa kanya, marahan nitong isiniksik ang mukha sa gilid ng leeg ni Relish at yumakap sa dalaga.

"This is why I really hate sleeping, bad memories keep on haunting me."

Mahinang wika ni Dark habang nakapikit ang mga mata habang hindi naman malaman ng dalaga ang gagawin kaya't hinagod nito ang buhok ng binata.

I made the MOB BOSS CryWhere stories live. Discover now