Third Person's POV
Mabilis na tumakbo si Dark pabalik sa labas lamang ng resto na kakainan dapat nila ni Relish. Inikot ikot nito ang tingin sa paligid. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumakbo papunta sa pinakamalapit na cr. Maingat na binuksan ni Dark ang bawat cubicle, nasa huling cubicle na si Dark ng madatnan ang walang malay na waiter kanina, bumubura din ang bibig. Wala ng buhay. Ilang sandali niya itong tinitigan bago naisipang tumalikod.
Patuloy na nagtingin tingin si Dark sa paligid ng masagi ng mata niya ang basurahan, kaagad siyang lumapit dito at tiningnan ang laman. Nakita nito ang wig sa loob mismo ng basurahan. Nang wala ng makitang iba pang bagay ay kaagad na nilisan ni Dark ang banyo at pasimpleng nagtingin tingin sa paligid bago naisipang balikan si Relish.
"What an actual fuck."
Mga salitang lumabas sa bibig ni Dark at tila nanlambot ang buo niyang pagkatao ng makitang wala na si Relish sa lugar na pinag iwnan niya. Mabilis itong lumapit sa guard at at sinakal na ikinabigla naman nito.
"Have you seen someone dragged a girl in floral dress!?"
Kaagad niyang tanong samantalang ilang beses namang napakurap ang guwardiya at tila binalot ng kaba sa ekspresiyon ng mukha ni Dark. Nababalot ito ng kadiliman at akala mo ay papatay ano mang oras.
"Wala naman pong nangyaring pwersahang pagkuha dito sir, pwede mo na akong bitawan."
Kinakabahan ngunit pinilit kumalma ng guwardiya ng bigla siyang bitawan ni Dark at napasuntok ito sa malapit na pader. Mabilis na dumugo ang kamao niya na mukhang hindi niya din alintana ang sakit. Alam niyang may hindi tama sa nangyari kanina at sinisisi niya ang sarili kung bakit iniwan niya si Relish kahit alam niyang may panganib sa mismong lugar kung nasaan sila. Isa sa mga taong naglalakad at dumaadaan ay ang taong may pakana ng nangyaring paglason kanina lang at sigurado si Dark na siya ang habol ng taong iyon. Hindi niya lang mahinuha ng maayos ang palabas na nangyari.
"Fuck this isn't happening. Not Relish, not her."
Hindi mapakali at kabadong tumawag si Dark kay Cirrus, kagat kagat nito ang ibabang labi habang nasa bewang ang kabilang kamay na patuloy sa pagdugo, sumalubong ang kilay nito ng biglang may kumalabit sa kanya, handa ng sakalin si Dark ang kung sino mang nang iistorbo sa kanya ng salubungin siya ng mga mata ni Relish. Kaagad namang pinatay ng lalaki ang tawag kasabay ng pagkalaglag ng kamay niya sa gilid at pagpikit ng mata niya. Ramdam niya parin ang bilis ng kabog ng dibdib niya, panginginig ng kamay niya at ang kabang bumalot sa pagkatao niya.
"Dark? What happened? Bakit dumudugo yang kamay mo?"
Nag aalalang tanong ni Relish. Mabilis namang niyakap ni Dark ng mahigpit ang dalagang naguguluhan at nag aalala sa mga nangyayari. Ilang sandali pa ay humiwalay din si Dark at matagal na tinitigan si Relish bago yakapin ito ulit.
"God. Relish, stop scaring the shit out of me."
"I scared you?"
Naguguluhang tanong ng dalaga ng humiwalay na ulit sa yakap si Dark at hinila siya palabas.
"Didn't I told you to stay at the sight of the guards?"
Kalmadong tugon ni Dark habang pinagbubuksan ng pinto ng sasakyan si Relish. Hindi niya magawang magalit dito kahit labis siyang nag alala.
"Eh you're so matagal kasi and naiihi na'ko, nag cr lang ako when I came back may dugo ka na sa kamay, what happened ba?"
Salubong ni Relish kay Dark ng pumasok na din ito sa driver's seat. Hindi parin kalmado ang mukha nito at panay kung huminga ng malalim.
YOU ARE READING
I made the MOB BOSS Cry
Romance"I've been inlove with you for like 8 years now, who would have thought I'll find you that night. In your dorm. I was hesitant to approach you because I don't want you to get involve of what I had get myself into. I was embarass of who I am now, I'v...