Chapter 10: I am Dark Latimer

23 3 0
                                    

Veil's POV

Nakakapagod ang araw na 'to! Hayyy may problema kaya yung dalawa? Nung bumalik si Relish kanina hindi maipinta yung mukha niya eh. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa may open court ng school. Alas otso na ng gabi pero nandito parin ako. Gusto kong magpahangin habang nag iisip. Napatingin ako sa court dahil may nakikita akong tatlong taong naglalaro at naaaninag ko ang isa sa kanila, si Hue. Pagkatapos ng insidente ng gabing 'yun ni hindi niya ako nilapitan o siningil. Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko ng dahil 'dun, pagmamay ari na niya ako. Pero wala na akong magagawa diba? Nangyari na ang nangyari at wala akong maipangbabayad sa kanya pero sana balang araw, balang araw masusuklian ko din ang lahat.

"Uy Veil, nandito ka ba kahit gabi na para panoorin akong maglaro?"

Ito ang unang beses na nilapitan niya ako at todo ngiti pa siya. Tagaktak ang pawis sa mukha niya at nakasuot lang siya ng puting shorts at puting sleeveless shirt.

"Alam ko namang nastar struck ka kaya hindi kita masisisi kung hindi ka makasagot kaagad."

Saka pa siya tumawa habang alam kong namumula naman ang pisngi ko. Ibinalik ko sa court ang tingin ko at huminga ng malalim.

"May iniisip lang ako."

Seryoso kong tugon sa kanya na ikinatikhim niya.

"Hindi pa'rin kita nababayaran."

Pagsisimula ko habang nakatingin pa'din sa dalawang tao na naiwan sa court at naglalaro.

"Hindi mo kailangan bayaran. Huwag mong isipin na porket binayaran ko yung bidding ay pag mamay ari na kita. Ginawa ko lang 'yun para mailigtas ka. Hindi ko kailangan bumili ng babae para lang masabi kong akin."

Kahit papano ay may punto si Hue. Sa halos perpektong hubog ng mukha niya, ganda ng ngiti at pangangatawan niya hindi maipagkakailang kahit hindi na siya manligaw sa babae ay mapapasakanya. Pero isang malaking utang na loob pa'rin ang tatanawin ko sa kanya.

"Sabagay, sa gwapo mo ba namang 'yan. Malamang na kahit sinong gugustuhin mong mapasayo makukuha mo."

Napalingon ako ng marinig kong tumawa si Hue. Nagpapahid siya ng pawis ng bigla siyang tumingin sa direksiyon ko.

"Diyan ka nagkakamali, dahil para sa'kin hindi sapat ang pagmamahal para pag may arian ang taong gusto mo. Kakailanganin mo din ng sapat na tapang."

Hindi na ako nakasagot ng biglang tumayo si Hue.

"Travis! Raven! Ihatid niyo nga ang magandang binibini na 'to!"

Sigaw niya sa dalawang lalaking naglalaro sa court. Kung hindi ako nagkakamali si Travis ang bunsong kapatid nina Dark at Lucid at si Raven naman ay bunsong kapatid nina Light at Hue, magkasing edad lang silang dalawa at parehong pinagkakaguluhan sa department nila. Minsan ko lang sila makita dahil 1st year college palang sila at mukhang medical technology ang course nila kaya sa school extension sila palagi since nandoon ang mga lab, at nasa kabilang campus 'yun.


Third Person's POV

Dalawang araw na ang lumipas at hindi na nakita ni Relish si Dark maging ang iba pang Latimers, naalala nito ang sinabi ni Lucid na magiging busy sila. Dalawang araw na din siyang hinahatid sundo ni Ryker at halos hindi na sila magkahiwalay buong araw.

"Pero sino ba 'yung lalaki noon sa booth Relish?"

Tanong ng binata, kasalukuyan silang nasa coffee shop at parehong umiinom ng milky frappe.

"Si Dark? "

Casual na sagot ni Relish. Mabilis na naging close ang mga ito sapagkat naging mabait naman sa kanya si Ryker kung kaya't hindi padin maintindihan ni Relish ang ikinagalit ni Dark noong lunes.

I made the MOB BOSS CryWhere stories live. Discover now