Chapter 5: Who's Dark?

32 3 0
                                    

Third Person's POV

Nasa loob ng sasakyan niya si Dark na nakapark di kalayuan sa isang hotel. Ilang sandali itong nagtingin tingin sa paligid at sinulyapan ang matayog na gusali, ilang sandali pa ay huminga ito ng malalim at naisipang ilabas ang baril na nakatago sa itim nitong jacket.

He pressed the release magazine button of his gun and checked the magazine before concealing it again.

Kaagad itong pumasok sa hotel at dumeretso sa 31st floor. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay kaagad na sinalubong siya ng ilang mga lalaki at sinamahan papasok sa isang silid.

"Mr. Latimer! It is such an honor to be visited by the youngest influential Mob Boss of this generation!"

Nakangiting bati ng isang lalaking nakaformal suit na nasa early 50's ang edad. Masigla pa nitong inilahad ang kamay sa binata na hindi man lang ngumiti.

Inayos ni Dark ang suot nitong jacket at umupo sa sofa ng kuwarto.

"Let's cut the chase Mr. Simons. I have bigger fish to fry tonight. I am here to discuss your business with Mr. Leibick."

Kaagad na nagseryoso ang mukha ni Mr. Simons at tumikhim. Sinenyasan nito ang isa sa mga tauhan na kumuha ng inumin.

"Ah hindi ko akalain na may koneksiyon pala kayo ni Mr. Leibick, Mr. Latimer. Kinailangan ko lang ng daan para mag export ng mga baril sa ibang bansa. Ngunit matapos ng mahabang paghahanap ng pwedeng daanan wala na kaming makita. At dahil may shipping company nga naman siya kaya naisipan ko sanang makipagsosyo."

"You are very well aware that his business is above board. You can't just drag him with you."

Walang ganang sagot ni Dark na tila walang pakialam kung sino ang mas matanda sa kanila.
Alanganing tumawa ang lalaki sa naging sagot ng binata. Bigla itong naging hindi komportable sa tensiyong namumuo.

"Hindi mo maitatanggi na sa ganito tayo nabubuhay Mr. Latimer."

Mag salitang binitawan ng lalaki pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. Naglagay ng inumin sa mesa sa harap ng dalawa ang isa sa mga lalaki na siyang nilagok naman kaagad ng matanda marahil ay bunga ng kaba.

"Mr. Simons I want you to cut your connections with Mr. Leibick. You need a way out of the country without getting caught? I'll let you pass in my private tunnel."

Ilang saglit na napatigil si Mr. Simons samantalang napasinghap naman ang iilan sa mga tauhan niyang nasa loob din ng mismong silid. Ang private tunnel ng Asperitas ang isa sa mga pinakatinitingala sa Underground Society maliban sa marami kang mapupuntahang lugar ng hindi ka nahuhuli gamit ito ay nakakonekta din ito sa mismong hide out ng grupo, ang lalong kinaiinggit ng lahat ay hindi ito matunton ng awtoridad. Walang sino man ang may alam kung saan ang entrance at exit nito kung di ang Asperitas lamang kaya halos hindi makapaniwala si Mr. Simons sa naging pahayag ni Dark.

Tumayo na si Dark at nagsimulang maglakad palabas ng nakabawi na si Mr. Simons at nagsalita.

"Thats a good deal Mr. Latimer. Maybe this will be the start of our partnership."

Ngumisi ang matanda na agad ding nawala nang marinig ang sagot ng binata.

"Remember Mr. Simons, I have everything to take everything else out of my way. If I were you I'll make hay while the sun still shines."

Mabilis na umalis si Dark at bumalik sa sasakyan nito. Nang biglang tumawag ang kambal niya.

"Dark nababaliw kana ba? Alam mo ba kung gaano kadelekado yang ginagawa mo? Ha?"

I made the MOB BOSS CryWhere stories live. Discover now