Chapter 18: Bloody Night

10 0 0
                                    

Third Person's POV

"I was just hugging her and she's bleeding already! It wasn't suppose to be like that right?!"

Impit na paliwanag ni Dark sa pinsang si Hue na ilang sandaling napakurap bago tuluyang nakasagot sa pinsan.

"Sigurado ka ba diyan?"

Mabilis naman na tumango si Dark na namumula ang tenga at parehong hindi mapakali ang dalawa.

"Baka sobra lang kinilig si Relish, alam mo naman ang lahi natin diba walang kakupas kupas baka kako naihi sa kilig! Insan masyado ka namang highblood!"

Proud na proud na wika ni Hue ng padabog na pumasok si Light at kaagad na sinipa ang paa ng kapatid.

"Pumayag akong ipagluto ka ng hapunan pagkatapos pinakuha lang kita ng papeles ang tagal tagal pa! Alam mo bang ang daming gustong magpa appoint sakin tapos sasayangin mo lang ang oras ko?"

Mabilis na nilingon naman ni Hue ang kapatid at nilagay pa sa magkabilang bewang ang kamay.

"Hah! Para sabihin ko sayo natagalan ako kasi nakitae pako dito kay insan pano kasi ang sama ng luto mo!"

Bwelta nito sa kapatid na napaangat ang gilid ng labi.

"Ibig lang non sabihin pangit ang taste mo! Pang five star hotel ang lasa ng luto ko! Swerte ka nga nakatikim kang lintik ka"

"Pangit ang taste ko? Gusto mo ba isampal ko sayo ang mga ex kong celebrity at model!?"

"Ah yung nagkascandal ka kasi pinagsabay mo? Hindi yun nakakaproud tukmol—."

"Shut up!"

Nanggigigil na sigaw ni Dark at kaagad na napalingon ang dalawa sa kanya.

"Narinig mo? Tumahimik ka!"

Sabay na sigaw ni Hue at Light sa isa't isa habang hawak hawak na ni Dark ang sintido niya.

"Dark? Anong nangyari?"

Hinihingal pa ng pumasok ang lalaking may bitbit na brief case at tagaktak ang pawis at hindi pa magkandaugaga ang damit at magulo ang buhok. Halatang sobrang nagmadali ito.

Kaagad na dumeretso si Dark sa kuwarto kung saan natutulog si Relish at halos namutla ang binata at ilang sandaling napakurap.

"What the hell is going on? The blood isn't this much when I left her here! D-Don't tell me she's pregnant a-and—"

"Mr. Dark Latimer. Nasa airport na dapat ako ngayon dahil may flight ako at nasa eroplano na dapat ako ngayong minuto dahil may business meeting ako bukas ng umaga pero pinabalik mo ako dahil sabi mo may sobrang laking emergency at sobrang taranta ka. Pinagloloko mo ba ako SIR?"

Pinagdiinan pa nito ang salitang sir sa dulo. Siya ang head doctor sa ospital na pinagmamay arian ni Dark at siya naring kasalukuyang namamahala ng lahat.

"Isn't this an emergency!? She's bleeding like hell for fuck's sake!"

Naiinis na wika ni Dark at inirapan siya ng doctor.

"Obviously she's just in her period."

"Period?"

Sabay na tanong ng tatlo na para bang may mga question mark sa mga ulo nila.

"I mean menstrual period and she's having a menstrual cramp. Try to put some warm water bottle in her belly for relief. And let her take aspirin when she wakes up, that's if it still hurts."

I made the MOB BOSS CryWhere stories live. Discover now