Chapter 19: Dark Side

14 0 0
                                    

Third Person's POV

"Mabilis naming natapos ang grupo nila, napag alaman kong paliit sila ng paliit at malapit ng masakop ng ibang grupo ang area nila kaya humingi sila ng tulong, hindi ko lang malaman kung kanino."

Pagpapaliwanag ni Cirrus habang sinasabayan sa paglalakad si Dark sa isang madilim na pasilyo, iilang ilaw lamang ang gumagana sa lugar na sapat lamang para makita ang daan.

"What else"

Tugon ni Dark habang binubuksan ang malaking pintuan na tila malaking version ng pinto ng mga bolt ng pera sa bangko. Binuksan ito ni Dark gamit ang iris scanner sa gilid.

"Walang ibang pinagkukunan ang grupo nila kung hindi ang pagbebenta ng droga at ang pagbebenta ng mga babae. Wala din siyang pamilya."

Tumango tango na lamang si Dark habang patuloy ang pagtahak ng pasilyo hanggang sa makarating sila sa harap ng pinto ng isang silid. May kadiliman ang lugar at makikita ang lalaking nakaupo sa isang silya habang nakagapos ang mga kamay at paa.

Gulong gulo ang buhok nito at may iilang sugat sa katawan, kaagad na napaangat ang gilid ng labi nito ng makitang pumasok si Dark.

"I have some questions for you and you have to answer me right away."

Malalim ang boses ni Dark at matutunugan mo dito ang awtoridad. Napahalakhak naman ang lalaki sa naging asta ni Dark at saka tinaasan nito ng kilay.

"Ako may tanong din ako, ikaw ba ang may pakana sa pagtapos ng gang ko?"

May halong inis na tanong ng lalaki habang tahimik na naupo si Dark sa mesa di kalayuan lamang sa lalaki.

"Yes."

Walang ganang sagot nito na lalong nagpainis sa lalaki. Hindi man lang niya itinanggi at mukhang proud pa ito sa ginawa niya.

"At may gana ka pang tanungin ako ng mga bagay na ikauunlad mo? Mukha ba akong tanga para sayo?!"

Bulyaw ng lalaki habang pinipilit na kumawala sa pagkakagapos, umiigting na ang panga nito at matalim ang mga tinging itinatapon kay Dark, pasimple namang tumayo si Dark at nagpalakad lakad na tila ba nag iisip ng malalim at may pahawak hawak pa ito sa baba niya.

"Absolutely!"

Sagot ni Dark na may bahid ng pagkatuwa nakatayo pa ang isa sa mga daliri nito. Samantalang nanggalaiti naman ang lalaki at tila papatayin na si Dark na mukhang natutuwa naman sa mga nangyayari.

"Wala kang makukuha sakin Latimer. Alam ko namang papatayin mo padin ako kahit magsalita pa ako, alam ko kung gaano ka ka gago!"

"You know me but still messed up with me, this is bad. You're like a moth to a flame."

Pahayag ni Dark habang tahimik namang nagmamasid ang lalaki. Napipikon na ito sa mga inaasta ng lalaking nagwasak sa grupo niya. Siya ang may katapatang magalit at patayin si Dark pero bakit kabaligtaran ang namgyayari? Siya na ang nawalan siya pa ang tatapusin. Ni hindi niya naigawang maipaglaban ang grupo niya, isang napakasakit na bagay para sa isang leader. Pero sino nga ba ang may kayang kalabanin ang Asperitas? Wala ding binatbat ang maliit na grupo nila kung iisipin.

I made the MOB BOSS CryWhere stories live. Discover now