Chapter 2, Part 2 : Dual dungeon incident

2.5K 180 8
                                    

"A-ano ba ang nangyayari? Bakit hindi pa rin natin nakikita ang exit?" Halata mo sa panginginig ng boses ni Rachel ang matinding pangamba.

"Tumahimik ka nga. Nag-iisip ako." Sabat ni Crooked Nose.

Talaga naman kasing kataka-taka ang nangyayari. Paikot-ikot sila sa loob ng dungeon, pero sa tinagal-tagal ng pag-ikot nila wala silang nakitang exit. Normal na nagbubukas ang gate palabas sa isang natapos na dungeon. Paiba-iba ang pesto ng mga lagusan palabas, pero kailanman hindi pa ito nagkaroon ng kaso kung saan walang nagbubukas na lagusan. Kaya hindi mo masisisi si Rachel sa pagpa-panic n'ya. Normal na reaksyon ang pagkatakot at pagkabalisa sa mga bagay o pangyayaring misteryoso at walang kasiguruhan. Pero maliban doon lahat silang lima ay halos walang kakayahan lumaban dahil sa pagod sa labanan kanina lang. Kung sakaling magkaroon ng engkwentro, paniguradong sila ay magagaping lahat.

"Rachel kumalma ka. Walang maidudulot na maganda ang pagpa-panic. Sa totoo lang disadvantage 'yon. Hindi ka kasi makakapag-isip ng maayos dahil sa takot." Pagpapakalma ni Gen kay Rachel.

Muli silang naglakad-lakad hanggang meron silang nakitang engrandeng bukas na pinto. Ang kataka-taka nga lang doon ay yung makikita mo sa loob ng pinto. Puro kulay berdeng damuhan at mga puno. Maging asul na kalangitan. Kung itatanong mo sa kanilang lima kung ano ang kataka-taka, iyon ay yung mismong tanawing 'yon.

Palagi kasing bumubungad sa mga hunter na lumalabas ng dungeon ay ang mismong pinangalingan nila. Ibig sabihin, dapat ang makikita nila Clyde ay ang mesa sa tabi ng kwebang dungeon at ang clerk na nakatalaga roon. At malinaw na hindi ito 'yon.

Nagpulong silang lima sa gilid ng engrandeng daanan upang pagdesisyunan ang susunod na hakbang.

"Papasok ba tayo sa loob o hindi?" Tanong ni Crooked Nose na talagang kakaiba. Simula kasi nang pumasok sila sa loob ng dungeon hindi pa s'ya nanghingi ng opinyon kanino man at puro siya utos na para bang 'yon ang tamang gawin. Kung oobserbahang mabuti, makikita sa mata n'ya ang pag-aalala. Maging ang rank C hunter na pinakamalakas sa kanila ay nag-aalangan pumasok sa loob ng mala-paraisong lugar na walang kasiguruhan ang kahahantungan.

"Kung ako ang tatanungin hindi ako papasok d'yan. Hindi natin alam kung may kalaban d'yan na wala tayong kalaban-laban." Paliwanag ni Gen sa pagtanggi n'ya.

"Tama si Gen. Isa pa, wala tayong lahat sa kondisyon upang lumaban. Hindi ko rin alam kung ilang beses pa ako makakagamit ng heal. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi 'yon lalagpas sa limang beses." Pagsegunda ni Rachel sa suhestiyon ng kaibigan.

"Para sa'kin naman, paano kung meron dung mga kayamanan? Palalagpasin ba natin 'yon?" Panunukso ni Crooked Nose sa dalawa sa pangako ng yaman. Kita mo sa mata ng lalaki ang pagkagahaman.

"Kung ano ang desisyon mo Lando doon ako." Sagot ni Ron na nakapikit. Sinasamantala ang panahon para mamahinga.

"Dalawa sa dalawa ang boto. Kung ganun, kung ano ang desisyon ni Clyde ang magiging desisyon natin." Sabi ni Gen. Kumunot ang noo ni Crooked Nose sa pahayag na 'yon.

Tiningan ni Crooked Nose si Clyde na para bang sinasabing tulinan mo magdesisyon at siguruhin mong magugustuhan ko ang sagot mo.

Hindi 'yon pinansin ni Clyde bagkus ay nag-isip-isip.

Tinimbang n'ya ang bentahe ng bawat pamimilian.

Kung sakaling hindi s'ya sumang-ayon sa pagpasok doon, hindi sila malalagay sa panganib sa walang kasiguruhang teritoryo.

Hindi s'ya mapapalagay sa panganib. Hindi s'ya pwedeng mamatay dahil s'ya lang ang meron ang kapatid n'ya. Pero ang tanong may pagpipilian pa ba talaga?

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon