Chapter 17, part 2 : Earthshaking confrontation between rank S hunters

968 109 10
                                    

"Bakit ngayon ka lang sumagot kuya?" Pabulyaw na bungad ni Raymond kay Roger.

"Aba! Anong problema mo bata? Naghahamon ka ba ng away?" Pumalatak si Roger sa inis.

Hindi nagustuhan ni Roger ang inasta ng nakababatang kapatid.

Gumanti rin ng palatak si Raymond sa kuya.

Natatawang nagsalita si Roger.

"May buto ka na talaga, Raymond. Pagdating ko d'yan mamaya, ipaaalala ko sa'yo kung sino sa'ting dalawa ang mas nakatataas. At kung bakit ako ang naging lider imbes na ikaw, bata." Galit na banta n'ya sa kapatid.

"Hello master Roger!" Nawala si Raymond sa linya. Ibinigay nito ang cellphone sa tauhan.

"Menandro! Bakit ang daming tawag ng tukmol na 'yon?" Tanong n'ya sa tauhan, patungkol sa nakababatang kapatid.

"Master! Saan po kayo nanggaling? Bakit nakapatay ang telepono n'yo? Kailangan po ng guild ang presensya n'yo sa lalong madaling panahon. Kanina pa nandito ang misteryosong hunter na pinagdidiskitahan ang guild. Kung hindi maaaring magapi ang guild ngayon. Malaking pinsala ang magagawa noon sa reputasyon natin sa mata ng mga tagalabas." Apela ni Menandro kay Roger.

Habang nagsasalita si Menandro meron s'yang naririnig na nagsasalita sa linya ni Roger.

"May I call the attention please!" Meron din s'yang naririnig na parang umaandar na eroplano. Kaya naman hindi n'ya na naunawaan pa ang sinasabi ng nagsasalita.

"Ganun ba? Kalalabas ko lang sa eroplanong sinasakyan ko. Bigyan mo ako ng sampung minuto, no, just five minutes will do. Darating kami d'yan within five minutes. That guy is seeking death." Saad ni Roger.

Kami? Sinong tinutukoy ni master Roger? Sinong kasama n'ya? May excitement sa sariling tanong ni Menandro. Hindi mapigilan ng rank A hunter ang mag-expect.

"Sinong kami ang tinutukoy mo master? Hello? Hello master?" Tanong ni Menandro kay Roger. Pero hindi nagpapaalam na binabaan na pala s'ya ng lider. Nainis si Menandro pero kinalma n'ya ang sarili.

"Master Raymond. Limang minuto. Kailangan nating mag-survive ng limang minuto. Mananagot ang pangahas na duwag na 'yon pagdating ni master Roger. Panay pa ang tago n'ya sa likod ng isang maskara." Ngising baling ni Menandro matapos ang tawag.

Binalik ni Menandro ang telepono sa kanyang vice leader.

"No! Sa'kin ang isang 'yon. Whoever he is, ako ang magpapahirap sa hayop na 'yon." Giit ni Raymond sa tauhan.

"Master hindi mo sa'kin dapat sabihin 'yan. Wala akong karapatan. Sa kuya mo ikaw dapat umapela." Paglilinaw ni Menandro ng kanyang stance sa subject na 'yon. Alam n'ya kung saan ang lugar n'ya sa guild.

"Saan ka pupunta, master?" Tanong ni Menandro kay Raymond.

Bigla na lang kasi itong tumayo. Kinabahan ang rank A hunter. Baka kasi gumawa ng kaistupiduhan at 'di sumunod sa plano ang vice leader.

Pumalatak si Raymond. Halatang hindi nagustuhan ang pagtatanong ng tauhan.

"Kailangan ko bang sabihin sa'yo lahat ng gagawin ko? Nanay ba kita?" Galit na giit ng vice leader ng Dark Resurgence.

Naglakad palabas ng opisina n'ya si Raymond.

"Pero master. Kapag may nangyaring masama sa'yo, mananagot ako sa guild leader. Baka patayin ako noon. Kaya pakiusap bumalik ka na sa opisina mo." Pagmamakaawa n'ya kay Raymond.

"Urgh!" Ungot ni Menandro nang biglang na lang s'yang sinakal ni Raymond. Inangat s'ya nito mula sa kinatatayuan n'ya.

"Sino ka ba para diktahan ako, ha? Sino ba ang pinuno sa'ting dawala? Ikaw ba o ako? Ako 'di ba? Manahimik ka sa isang tabi kung ayaw mong samain." Namumula ang matang banta ni Raymond kay Menandro.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon