Pabalik-balik ang mga kalalakihan sa loob ng mansyon. Isa na rito si Bryan. Ang lalaki ay isang normal na trabahante.
Maingat silang naghihilera ng kahon-kahong mga armas sa bodega ng mansyon.
Bilin sa kanila ng bisor na wala dapat makaalam ng ginagawa. Dapat ay maingat din daw sila sa pagbubuhat upang hindi makatunog ang mga parak. Kung hindi, hindi lang sila mawawalan ng trabaho, mapaparusahan din sila.
Alam naman ni Bryan na ilegal ang ginagawa ngunit wala s'yang pagpipilian. Isa s'yang ulilang-lubos mula sa pagkamusmos.
Kinupkop naman s'ya ng isang mag-asawa mula ampunan. Naging mabuti ang mga ito sa kanya. Pinaaral din naman s'ya ng mga ito. Sadya lang na hindi s'ya biniyayaan ng angking katalinuhan.
Isang masaklap na katotohan sa malupit na mundong tumitingin sa kakayahan ng isang tao base sa kanilang grado sa eskwelahan at natapos.
Kapag matalino ang isang tao, malaki ang tyansa nitong umunlad at umangat ang estado sa lipunan.
Kasalungat nito, kung isa ka namang pobre at may kahinaan ang pag-iisip, ikaw ay magiging tampulan ng pangmamaliit at pang-aapi.
Hindi ka bibigyan ng pagkakataong i-prove ang sarili mo sa ninanais na trabaho.
Mga gawaing ginagamitan ng lakas ng katawan lang ang available sa kanya.
Kaya ng napag-alaman n'yang sikretong naghahanap ng trabahador ang Dark Resurgence sinunggaban n'ya na ito. Hindi n'ya matanggihan ang malaking sweldong maaari n'yang makuha kada gabi.
Nagpunas ng pawis si Bryan pagkababa ng pang-anim na kahon binuhat papasok ng mansyon.
Alam n'yang matataas na kalibre ng baril ang laman ng mga kahon pero hindi n'ya na problema 'yon. Ang mahalaga sa kanya ay may pantustos s'ya sa sariling mga pangangailangan.
"Ruel hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari." Sabi ni Bryan sa katrabahong si Ruel.
Ang kaibigang nagdala sa kanya sa trabahong meron s'ya.
Pinagtawanan s'ya nito.
"Sineryoso mo ba ang sinabi ko sa'yo? Na puno ng kamalasan ang araw ng Biyernes kapag natapat 'yon sa ika-13 araw ng buwan? Brad, anong taon na? Naniniwala ka pa rin sa mga pamahiin? Ang laki-laki mo na duwakang ka pa rin." Pangangatyaw sa kanya ng kaibigang si Ruel.
"Pero--" Angal ni Bryan na agad pinutol ni Ruel.
"Naku po! Kumain na lang tayo. Gutom lang 'yan. Kaya ang likot na ng pag-iisip mo. Tara na." Aya kay Bryan ni Ruel.
Seryoso si Bryan sa sinasabi. Ngayon n'ya lang 'yon naranasan. Na sigurado s'yang may mangyayaring masama.
Alam n'yang maaaring tama ang kaibigan. Na pawang kabalintunaan lang ang nararamdaman n'ya pero wala namang mawawala sa kanila kung mag-iingat silang dalawa.
...
"Ate Angie, lalo kang gumaganda sa tuwing nakikita kita. Padagdag naman ng ulam, ha?" Pambobola ni Ruel sa ginang na nagtratrabaho sa mansyon sa gabi bilang cook.
"Bolero ka talaga kahit kelan, Ruel. Pero dahil totoo naman ang sinabi mo, pagbibigyan kita." At as usual, nagpapauto pa rin ang ginang kay Ruel.
Napapailing na lang si Bryan sa nasaksihan sa pagkuha ng kanilang libreng pagkain. Ito pa ang isang dahilan kung bakit gusto ni Bryan ang trabaho. Maliban sa malaki na ang sweldo na arawan, may libre ring pagkain.
"Bryan!" Tawag ng nakangiting ginang sa kanya.
Tinakalan s'ya nito ng 2 cup ng kanin at 2 putahe ng ulam na regular na pagkain ng mga trabahador.
BINABASA MO ANG
Holymancer : Unang Aklat
FantasíaSi Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible nang maganap ay magiging abot kamay n'ya na lang sa isang iglap.