Nakatingin s'ya sa pila sa harapan n'ya. Nang pagkakataon n'ya na, kinapkapan ng gwardya si Clyde.
Matapos ng kapkapan ay tuluyan na s'yang pinapasok nito.
Gumilid si Clyde. Matiyagang hinintay ang mga kasama.
Habang naghihintay, nakita n'yang kaagaw-agaw pansin ang mga kasamahan n'ya na kinakapkapan ng mga gwardya.
Napailing na lang si Clyde.
Pagkatapos ng kapkapan, naglakad na sila sa loob ng mall.
Oo.
Nasa loob ng isang mall ngayon si Clyde.
Para sa mga may matitinding social anxiety disorder or SAD, ang mall ay maihahalintulad mo sa impyerno para sa kanila.
Usually isang form ng therapy na ginagawa sa treatment ng may mga SAD ang pagpasok sa mga mall.
Why?
Para sa mga may social anxiety disorder ang pakikisalamuha sa maraming tao ay very stressful.
At ang mall ay isang lugar na may pinakamaraming gathering ng tao. Hindi lang 'yon. Maliban doon, maraming activities dito. Hindi mo rin maiiwasang maka-encounter ng tao sa lahat ng gagawin mo rito.
A perfect place to start a therapy for people with SAD. And there is no better way to conquer your fear than facing them head-on.
To test his resolve, he'll try to frequent an establishment like a mall.
...
Bago pumasok sa mall nagcheck-in muna si Clyde sa isang hotel.
Bakit? Para gawin ang plano n'ya without alerting anyone.
Maliban kasi sa plano n'yang pagtetest sa kanyang resolve meron pa s'yang ibang pakay sa mall.
Marami s'yang pinangako sa mga summon n'ya. It's about time to fulfill it.
Sinummon n'ya sila. In total, meron s'yang 30 summons na tinawag.
Having to many summons to accompany him would attract too much attention.
Pero sa palagay ni Clyde even with just these 30 summons he'll still attract a lot of attention.
Kaya napili ni Clyde na sa hotel sila i-summon ay upang maiwasang mabunyag ang kapangyarihan n'ya.
Kung sa maliit na motel, may chance pa ring mapansin ang paglabas ng mga taong hindi naman pumasok sa lugar.
But in a hotel hindi magiging problema 'yon. Masyadong malaki ang hotel para mapansin ng hotel staffs ang lahat ng naglalabas-masok sa kanila.
...
Hindi komportable si Clyde sa nakukuhang atensyon.
Maraming mata ang nakatuon sa kanya.
"Guys! Look at that group." Rinig na sabi ng isang teenager sa grupo n'ya.
Paglingon roon ni Clyde nakita n'yang nakaturo ito sa grupo n'ya.
"Hey! Don't do that. Mahahalata tayo." Saway ng kasama nito.
"Their group is really interesting, don't you think so?" Saad ng isa pa.
"Well, can't argue with that."
Iba't-ibang uri ng reaksiyon ang natatanggap nina Clyde.
May curious.
May namamangha.
May mga natutuwa.
May mga natatawa.
BINABASA MO ANG
Holymancer : Unang Aklat
FantasySi Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible nang maganap ay magiging abot kamay n'ya na lang sa isang iglap.