Chapter 8, part 2 : Vengeance of the wronged

1.2K 132 2
                                    

Pumulas sa iba't-ibang direksyon ang limang mangkukulam. Malayo ang pagitan nila sa isa't-isa.

Nagulat si Clyde. Ngayon pa lang naka-encounter ang hunter ng ganitong kaso. Sa lahat ng na-aggro ni Alejandro, sila pa lang ang kumilos ng normal. Kasalungat ito sa lahat ng mga naka-engkwentro na n'ya. Sa mga nagdaang labanan, kapag nagamitan na ng duwende ng Divine pull ang mga kalaban panay sugod na lang ang ginagawa nila. Hindi na nila inaalintana ang mga natatamong atake. Si Alejandro na lang ang nakikita nila.

Pero ngayon kakaiba ang nangyari. Kung kailan pa sa palagay n'ya ay limitado lang ang oras n'ya para gapiin ang mga kalaban. Kung kailan unti-unting lumalapit ang nababagang-apoy sa paligid.

Siguro dahil nakakapagsalita sila? Intellectual type?

Sigurado naman si Clyde na hindi nakawala ang mga ito sa epekto ng Divine pull. Hanggang ngayon mapula pa rin ang mga mata nila. Ang atensyon at direksyon ng kanilang mga katawan ay nakapunto pa rin sa duwendeng tank.

Kumunot ang noo ni Clyde. Sabay-sabay nag-umpisang mag-chant ang limang mangkukulam. Ang isa nga sa kanila ay may nilabas pang manika. Isang creepy na manika. Mas sikat ito sa katawagang voodoo doll.

May isang naglabas ng broomstick. Sinakyan ng mangkukulam ang walis at dagliang lumipad. Ang isa naman ay lumuhod at hinawakan bigla ang buhangin. Bigla na lang may umusbong na mayabong na mga halaman sa tapat ng isang 'yon.

Ang isa naman at may apoy na lumabas sa tapatan n'ya. Higit sa lahat, ang pinuno ay unti-unting napaligiran ng mga insekto sa paligid.

Naalarma si Clyde sa maikling pangyayaring 'yon. Inutusan n'ya ang mga nakalabas na summon na salakayin ang limang mangkukulam.

Naging hudyat ng matinding labanan ang pagtira ng mangkukulam na nakasakay sa walis ng isang nakakasilaw na atake. Tinamaan noon ang invisible na pananggalang ng duwende, ang Iron heart. Sa pagkonekta niyon, matinding nagkabitak-bitak ang shield.

Ano? Gaano kalakas ang simpleng atakeng 'yon para mabitak ang shield ni Alejandro?

Nagitla si Clyde sa lakas ng isang tirang 'yon. Pasalamat na lang siya sapagkat hindi na muling nakatira pa ito. Masyado itong naging abala sa pakikipagtuos sa dalawang killer cockroach na gumagambala sa kanya.

Tatlong segundo pa lang ang nakakaraan simula ng itira n'ya ang Bouncing soul creepers. Ginamit n'ya ang Conceal to buy time para sa cooldown ng Bouncing soul creepers.

Sa paglalaho ni Clyde ay s'ya namang sabay na pag-atake ng dalawa sa limang witch. Sumalakay ang humahabang mga tangkay kay Alejandro. Tuloy-tuloy ang paghaba nito patungo sa duwende. Samantalang ang isang mangkukulam naman ay tumira ng kanyang mga apoy sa parehong target.

Sabay na tumama ang tira ng dalawa sa invisible shield. Wala man lang kagatol-gatol na nawasak ang shield. Akala ni Clyde na maglalaho na ang mga atake matapos masira ang shield. Doon s'ya nagkamali. Walang tigil ang mga 'yong tumama sa tank.

Nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag sa tapat ng duwende na ikinagitla ng hunter.

No way! He vanished.

Ibig sabihin noon ay ganoon lang kadaling nagapi ng dalawa si Alejandro on its full power.

Hindi makapaniwalang turan ni Clyde.

Nang maglaho ang tank, agarang nagpalit ng target ang lima. Saktong sa paglingon ng lima, s'ya namang pagtama ng atake ng lahat ng natitirang summon ni Clyde. Na-focus ang atake ng mga ito sa plant at flame witch. Tumilampon ang dalawa sa malayo.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon