Kadiliman ang tanging bumabalot sa paligid. Kahit anong pilit, walang makita ang hunter.
Patuloy ang makapatid-ugat na hiyaw ng hunter habang bumabagsak s'ya. Dumaan ang ilang segundo na pakiramdam ng hunter ay sobrang tagal. Nahinto lang ang malakas na pagsigaw n'ya dahil sa paghinto ng kanyang pagbagsak.
"Argggh!"
Bahagyang na-shock ang hunter. Malayo sa inaasahan n'ya ang nangyari. Padapa s'yang lumanding. Imbes na masaktan sa paglagapak, lumubog s'ya sa binagsakan. Pero sa ilang saglit ay may kung anong pwersa ang nagpatalsik sa kanya pataas. Matapos ang ikatlong pagtalbog ay huminto na s'ya at napirmi sa malambot na lapag.
Kasabay ng paghinto, ang s'ya namang pagliliwanag ng paligid.
Matapos makapag-adjust ng mga mata ni Clyde, nagustuhan n'ya ang nakita. Ang quantum light na may dalawang purpose na naka-fix sa pader. Ang magsilbing disenyo sa kwarto at magbigay liwanag. Ang malamlam na dilaw na ilaw mula sa quantum light na nagco-complement sa light brown na pintura ng pader. Gustong-gusto ito ni Clyde. Hindi kasi ito masakit sa sentisibo n'yang mga mata.
Iginala n'ya ang paningin sa kabuuan ng paligid. Maliit na pa-cuadradong silid. Kung susuruing mabuti, mapapansin n'yang hindi hihigit sa ten by ten meters ang lawak ng espasyo.
Sa pagtingala, pilit n'yang tiningnan ang pinanggalingan. Napagtanto n'yang hindi abot ng malamlam na liwanag mula sa quantum light ang itaas. O marahil masyado ring malalim ang pinagbagsakan n'ya.
Sa pagyuko, napansin n'yang gawa sa makapal na tela ang sinasalampakan n'ya. Na-curious tuloy s'ya kung saan gawa ang malambot na nakatago sa ilalim ng tela. Nang pumihit s'ya, napansin n'ya na rin sa wakas ang isang pares ng pinto. Kulay brown din ito, na may kakitiran. Sa upper half nito ay may dalawang salamin. May katamtamang laking hugis bilog na salamin.
Kinailangan pang n'yang i-maintain ang bahagyang pagtingala para makita itong mabuti.
Tumayo si Clyde. Naglakad s'ya tungo rito habang binabalanse ang sarili. Masyado kasing malambot ang nilalakaran. Nang makarating sa tapat ng pinto ay inihakbang n'ya ang kaliwang paa. Itinapak n'ya sa unang baitang ng mababang kahoy na hagdanan ang paa.
Sa pagdating n'ya sa pinakadulo, hinawakan n'ya ang nagsasalubong sa gitnang mala-teleponong hawakan. Mainit-init. Indikasyong gawa ito sa kahoy. Sabay n'yang itinulak ang dalawang pintuan ayon sa instruction na nakalagay dito.
...
Marahan at wala sa sariling naglakad ang hunter sa loob. Hindi n'ya maiwasang igala ang mga mata dahil sa ganda ng lugar. Hindi n'ya rin namamalayang bahagya ng nakaawang ang kanyang mga labi. Mabuti na lang naitatago ito ng suot n'yang maskara.
Hindi mo naman masisisi si Clyde. Wala sa expectation ito ng hunter. Nang marinig n'ya ang black market, at dahil ilegal iyon, ang inaasahan ni Clyde ay isang maliit na tagong lugar, kung saan napakagulo, sobrang dumi at baho.
Maliban sa tago itong lugar, puro kasalungat na ng kanyang pag-aakala ang nasaksihan.
The place is vintage that perfectly blends with the modern times. The motif of the place is beige, cream and dark brown. It has great visuals combined with its classic and peaceful ambiance.
Malaki at mataas ang lugar. Sa bungad pa lang, pansin na ang circular shape ng lobby. Makaagaw pansin din ang grandiyosong mga disenyo; sopistikadong mga ukit sa marmol na mga haligi, at magagarbong mga muwebles at kagamitan.
Maaliwalas ang lugar. Maliwanag ito dahil sa puno ito ng mga ilaw. Mga standing at table lamps sa ground floor. Sa second floor naman ay maraming hanging lights. Mahalimuyak ang hangin dahil sa mga magaganda't mayayabong na halaman.
BINABASA MO ANG
Holymancer : Unang Aklat
FantasiSi Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible nang maganap ay magiging abot kamay n'ya na lang sa isang iglap.