After a year matumal na ang pagsama ni Angel sa lugar nila Mang Tiburcio. Na-awaken ang kapangyarihan n'ya bilang hunter. Nandoon din ang nagbabalik na tao sa buhay ng dalaga.
Pero bago man mangyari 'yon natulungan n'ya pa rin si Clyde na pagbaguhin ang matanda.
May kagaspangan pa rin ang bibig ng matanda pero hindi na sa mga aksyon. Siguro 'yun na talaga ang natural na pananalita para sa kanya.
Maraming ishinare si Angel at Clyde sa matanda. At ganun din naman ang matanda sa kanila.
Nag-aalaga na rin ang matanda ng mga aso. Tatlong aso. Napatunay bilang nakaka-relieve ng stress ang mga aso.
Hindi rin s'ya bumili ng mga aso. Puro adopted ang tatlong aspin n'ya. Impluwensya ni Clyde. Palagi kasi nito ng sinasabing don't support breeders. Kasi tinotolerate mo ang katamaran nila. Imbes na magbanat ng buto mas pinipili ang mas madaling pagkakakitaan. Kaya may naaabusong mga breeding dogs. Pinaaanak ng pinapaanak ng walang pahinga hanggang sa mamatay. Kung hindi man sa abuso, paano naman ang irresponsible ownership? Binibili lang dahil cute. Kapag lumaki na at pinagsawaan inaabandona. Sa huli kung hindi sa kalsada ang bagsak, sa pound ang tuloy kung saan nae-euthanize sila. Hindi naman tunay na mga pet lovers ang ganoon. They just spend money. Para sa kanila bagay lang na nabibili ng pera ang mga hayop. Wala talaga silang pakialam sa epekto nito sa buhay ng walang muwang na hayop.
Kaya nag-adopt s'ya sa shelter. Mga rescued dogs na nakuha sa lansangan o sa abusive owners. Libre na. Makakatulong ka pa. Mabibigyan mo ng pamilya ang isang swerteng aso. Mababago ang kanyang kapalaran.
Tandang-tanda pa ang mga 'yan ni Mang Tiburcio. Madalas na sabihin sa kanya iyon ng paulit-ulit sa araw-araw ni Clyde.
Hindi naman s'ya nagsisi. Nabawasan ang pangungulila n'ya sa mga anak n'ya. Para kasing mga bata rin ang mga aso. Actually mas kailangan nila ng atensyon higit pa sa mga bata.
Marami talagang nagbago sa nagdaang taon. Tulad ng pagkamatay ng mga magulang n'ya dahil sa dungeon outbreak. Huminto s'ya sa pag-aaral dahil dito.
Relieved si Clyde na hindi na makikita ni Angel ang struggles n'ya. Nahihirapan s'yang mag-cope because of his parents sudden passing away.
Nagtratrabaho pa rin s'ya sa coffee shop na 'yon. Samantalang si Angel ay 'di na sanhi ng pagiging hunter nito.
"Browny, Whitey, Blacky kakain na!" Tawag ni Mang Tiburcio sa nagkakahulang mga alaga. Hawak n'ya ang isang malaking pakainang pagsasaluhan ng tatlo. Nag-uunahang nagsilapit ang mga ito para kumain.
Masiyang pinanuod ng matanda ang mga ito. Paminsan-minsan ay hinihimas n'ya ang mga ulo ng bawat isa.
Napangiti na lang si Clyde sa nasaksihan. Natutuwa s'ya sa pinagbago ng matanda. Malayo ito sa dating s'ya. Noon laging mainit ang ulo at busangot ang mukha ni Mang Tiburcio. Lumipas ang halos sampung taon ngunit mas umaliwalas ang mukha n'ya kumpara sa mas bata-bata pa s'ya. Naging mapagmahal din s'ya sa mga aso.
"Kamusta ka naman, Clyde? Ano na ang lagay noon? Nag-umpisa 'yon 'di ba after mamatay ng mga magulang mo?" Biglang baling ng manong kay Clyde.
"Mas okay na naman. Thanks to you, sa kapatid ko at tsaka sa mga kaibigan ko." Nakangiting sagot ni Clyde.
Tumango-tango ang matanda.
"Ikwento mo naman sa'kin ang mga magulang mo ng nabubuhay pa sila." si Mang Tiburcio.
"Ang dalas ko ng kwinekwento sa inyo noon, a? Hindi ka pa rin nananawa?" Natatawang saad ni Clyde pero pinaunlakan n'ya naman iyon.
"Simple lang ang buhay namin. Ang nanay ko, isang public school teacher sa elementarya. S'ya ang pinakamabait na babaeng kilala ko. Hindi ko sinasabi 'yon kasi nanay ko s'ya. Sobrang bait n'ya talaga. Mahilig s'yang manermon sa mga estudyante n'ya. Pero its because she genuinely care for her students. Hindi rin n'ya pinababayaan ang pamilya n'ya lalo na ang mga anak n'ya. Tinutulungan n'ya rin ang mga kakilala n'yang nangangailangan ng tulong kahit sa simpleng paraan lang. Madalas nga nacricriticize s'ya dahil doon. Ng mga walang magawang kamag-anak namin. Lahat sila taga-sumbong sa kapatid ng tatay kong nasa may kalayuang bayan. Nakatira kasi kami sa isang compound ng magkakamag-anak. 'Yun kasing kapatid ng tatay ko ang tumutulong sa'min. Ineexaggerate nila ang mga sumbong. Hindi ko alam kung mga inggit ba? Kasi tumutulong sa'min 'yon. Pinaaral ako. Wala kasing trabaho ang kapatid n'ya. At ang nanay ko naman ang pinagdidiskitahan noon. Hindi rin kasi kaya ng kita ng isang guro bumuhay ng pamilya. Kaya medyo may mga pinagkakautangan. Nakakarating sa kanya 'yon. Ayaw kausapin ng nanay ko. Kasi usually sasabunin lang s'ya. Sa kanya ibubunton ang inis sa iresponsableng kapatid. Minamaliit ang trabaho ng nanay ko. Wala raw s'yang trabaho. Pero isa s'yang guro. Harsh, 'di ba? Hindi dahil tumutulong ka dapat ka ng mang-alipusta. Kaya nasabi kong mabait ang nanay ko dahil nga roon, martyr. Nagagawa n'yang pagtiisan ang magkapatid at ang mga kamag-anak nila ng walang magawang matino." Bahagyang hinto ni Clyde. Napagod ito sa pagkwekwento.
BINABASA MO ANG
Holymancer : Unang Aklat
FantasySi Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible nang maganap ay magiging abot kamay n'ya na lang sa isang iglap.