Chapter 23, part 2 : Ang Nightmare demon at hidden quest

690 89 4
                                    

Bakasyon noon bago magpasukan ng 3rd year ni Clyde sa high school.

Napapansin na raw ng mga kamag-anak nila na hindi na lumalabas ng bahay si Clyde maliban na lang sa pagpasok sa eskwela. Dati-rati ay regular itong naglalaro ng basketball tuwing weekends.

Kaya naman pinuntahan s'ya ng ilan sa nakababatang pinsan. Nakipaglaro sa kanya ang mga ito sa loob ng bahay nila.

Nagtaguan sila. Kahit papaano naman ay napawi ang alalahanin sa isip n'ya. Ngunit ng nag-eenjoy na s'ya ay umatake na naman pasimple ang sakit.

Nang siya na ang taya at nakita n'ya kung saan nagtatago ang isang pinsan ay nilapitan n'ya 'yon upang gulatin. Ngunit ng malapit na s'ya ay bigla itong lumabas at ginulat s'ya. Kahit alam naman n'yang gugulatin s'ya ng pinsan ay napatalon s'yang bahagya sa gulat.

Tumawa ang pinsan at nakitawa rin naman si Clyde. Ngunit sa loob-loob ni Clyde ay napapalatak s'ya sa inis, inis sa sarili.

Inumpisahan n'yang ikumpara ang dating s'ya sa ngayon na nangyayari sa kanya.

Hindi naman ako magugulat kung ako 'yung dating ako. Iritableng pagkwestiyon n'ya sa sarili.

That's how social anxiety, no, that's how the majority of anxiety disorders work. Para kang nitong tina-trap. Tina-trap sa nakaraan. Tina-trap sa mga bagay na dati-rati ay kaya mo. Ikukumpara mo ang sarili mo sa normal na ikaw o sa ibang tao. Doon ka nito, ng anxiety, unti-unting kakainin. Mabubuo ang inferiority complex ng hindi mo namamalayan sa sunod-sunod na failures sanhi ng disorder. You'll think hindi mo kaya kasi sagabal s'ya. In the end, hindi mo na nga s'ya magagawa dahil ikaw sa sarili mo ay sigurado ka ng hindi mo kaya.

Hanggang sa marahan nitong paliliitin ang mundo mo hanggang sa wala ka ng makikilusan. It is a psychological thing.

Ang hindi alam ni Clyde ang paraan para maresolba 'yon ay not to think what you currently unable to do. Just focus on what you currently can and have.

Hindi mo rin ito dapat labanan. Ang unang step for healing your soul is acceptance. Accepting na nandyan na s'ya. Don't mind it. Just do things you can do for now. Let go of your frustrations kapag umatake s'ya. Immune yourself from it.

Second step is to try being positive. Hindi naman mawawala sa sistema ng tao ang kalungkutan. It is a cycle. Malungkot ka one time then next masaya ka. Kasi hindi naman mawawala ang problema hangga't nabubuhay ka. Just think that being alive is a blessing. There are people with much worse situation than you. Be happy.

Lastly, consult your situation to the professionals. Kasi kahit anong positivity ang meron ka, matatalo't-matatalo ka ng kalabang hindi mo kilala.

Kaya nandiyan ang mga psychologist at psychiatrist ay para linawin ang mga bagay na lumilito sa pag-iisip ng mga tao. Ang paggabay sa mga ganung uri ng problema ang silbi nila.

Just being resilient is not enough. Kailangan mong maging agresibo sa paglutas ng kahit anumang problema. Remember, madalang ang nagwawagi na hindi nagte-take ng initiative. Attacking is always better than just defending. Afterall, there is no perfect defense.

Para naman sa worries about sa sasabihin ng iba. Na ang pagpunta sa mga psychologist at psychiatrist ay nanggangahulugang baliw ka na. That's an outdated thinking. A stereotype.

The world is already very modern, very advanced. Almost everyone have access to the internet. It is an open secret that a lot of people is going through something. Famous people such as celebrities, businessmen, rich people, public figures, athletes and even politicians have gone through some sort of mental health problems like depression and anxiety. And they are open about it to inform people who is going through the same thing what to do in that similar situations.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon