Chapter 6, part 1 : Grinding

1.8K 156 12
                                    

Mas na-tense si Clyde. Mas naging alerto ang hunter. Paano ba naman kasi masyadong normal ang loob ng kubo. Ang alam n'ya lang, he can't let his guard down. Ang sabi kasi ng binili n'yang skill ay isa itong dungeon.

Marahan n'yang iginala ang mga mata sa kubo. Mas malaki itong tingnan kumpara sa labas. Siguro'y dahil kakaunti lang ang mga gamit. Ang mga materyales dito ay kalimitang gawa sa kahoy.

Sa pinakakaliwang sulok ay may banggerahang gawa sa kahoy at kawayan. Lababo at gawa sa plastic na lalagyan ng iilang pinggan, kubyertos at mga baso. Sa gawing kanan naman ng banggerahan ay may isang pinto. Nakaawang ito ng bahagya. Kapag tinitigan mong mabuti, roon mo mapagtatantong isa itong palikuran.

Nang tumingala naman s'ya ay napansin n'yang wala itong kisame. Ang makikita niya ay ang bubungang gawa sa pawid. Sa gitna ay may isang bumbilyang nakakunekta sa dalawang mahabang magka-cross na kahoy.

Sa harapan n'ya naman ay may isang maliit na aparador na gawa sa kahoy. Sa kaliwa noon ay may isang gawa rin sa kahoy na mesa.

Sa kanan n'ya naman ay may isang papag na gawa rin sa kahoy. Sa bawat sulok ay merong tigdadalawang set ng bintana.

Kung wala siyang dungeon seeker skill, siguro ay malilinlang siya ng kubong ito. Maiisip n'yang isa lang itong simpleng tahanan sa isang payak na lugar.

Unti-unting hinakbang ni Clyde ang mga paa paabante. Balak n'yang inspeksyuning marahan ang bawat sulok ng lugar. Pero hindi n'ya pa rin kinaliligtaang isa itong dungeon. Na maaaring bigla na lang umatake sa kanya biglaan.

Hindi naglaon, may nakita s'yang kakaiba. Sa pagitan ng harap at kanang bahagi ng kubo sa sulok ay may kakaiba. Sa lapag ng mabatong sahig ay may isang kwadradong parteng gawa sa kahoy.

Huminto siya at umi-squat s'ya sa harapan noon. Kinatok n'ya iyon ng ilang beses. At bale na rin sa uri ng tunog na narinig, napagtanto n'yang walang laman ang parteng 'yon.

Sa wakas ay mukhang nakita na n'yang ang hinahanap n'ya.

Matapos ang masiyasat na pagsusuri, nadiskubre n'ya ang mekanismo noon.

Binuksan n'ya ang sikretong lagusan. Ang tumambad sa kanya rito ay kadiliman. 'Di tuloy n'ya masiguro ang lalim ng dadaanan.

Buti na lamang ay naisipan n'yang mag-ipon ng gold para sa Holymancer system sa mga nakaraang araw. Buti na lang din at may natira pa s'yang pambili. Agad s'yang nagtungo sa skill shop. Pumunta s'ya sa mga magic skills. 'Di katagalan may nakita na rin s'yang magagamit para sa sitwasyon ngayon.

Bumaba s'ya sa lagusan.

"Illuminate!" Mariing bigkas ni Clyde ng chant.

Hindi n'ya rin nakalimutang gamitin ang kanyang lighting spell. Ito ang kabibili n'ya lang na spell sa skill shop. Isa itong basic light element magic. Simple lang ang spell na ito kaya madali lang din itong matutunan. Gaya ng inilalarawan sa pangalan ng skill, isa lang ang gamit nito. Ang pagpapaliwanag sa kadiliman. Kumbaga instant flashlight. Pero mas convenient, kasi hindi na iyon kailangan bitbitin pa. Mura lang din ito. 10, 000 gold. Pinakamababang presto ng skill sa skill shop. Ang pinakamahal naman ay 1 Billion gold. Is ang halimbawa noon ay 'yung crowd control skill ni Alejandro na joker skill.

Meron pa s'yang natitirang mahigit 60, 000 gold.

Maingat n'yang binaybay ang makitid na hagdanang kahoy. Sa bawat paglipat ng mga paa n'ya sa hagdan at ang pag-ingit nito.

Matapos n'yang maabot ang ikatatlumpong-baitang pababa ay nakarating s'ya sa basement ng kubo. Iginala n'ya ang mata n'ya pulos gawa sa kahoy na basement. Ang set-up Tito ay tulad lang din ng sa itaas. Ang pinagkaiba lang nito ay wala itong mga salamin. Madilim dahil nga ay Isa itong basement. At nakulob na rin ang ang amoy ng basement. Marami na ring sapot sa paligid. Maririnig mo rin ang maiingay na ftunog ng mga daga.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon