Chapter 17, part 1 : Earthshaking confrontation between rank S hunters

1K 104 6
                                    

Sinimulang gamitin ni Clyde ang mga bagong biling skills.

...

Triple casting (Passive-Max)

- Enables the user to cast three spells all at once.

(In Clyde's instance, summoning of his Holymancer summons are excluded.)

Strand of imprisonment (Lv. 1)

- Enables the user to reinforce any strand of object by injecting mana in it. These strengthened strands would be very durable. The reinforced strand main purpose is to apprehend anyone or anything.

- Success rate of imprisonment depends on the user's comprehension of the said technique. As well as versatility and capability of the user with his mana manipulation. Opponents with stronger and more abundant mana than the user can effortlessly destroy this strands.

Telekinesis (Lv.1)

- Enables the user to move objects at his will with the use of his mind.

...

Habang hinahabol ng mga taga Dark Resurgence si Alejandro, binukas n'ya ang scroll bag sa kanyang likuran.

Inimagine ni Clyde na lumalabas sa bag ang maninipis na sinulid, ang lackluster thread.

Ilang beses s'yang pumalpak. Ngunit hindi n'ya ito sinukuan. Sa matinding determinasyon, nagawa n'ya rin ang pakay.

Gamit ang matinding imahinasyon at konsetransyon napagalaw n'ya rin ang sinulid sa loob ng bag.

Unti-unting naglaho ang ingay sa pandinig ni Clyde.

Makalipas ang ilan pang pagsubok, napangisi ang hunter.

Nagawa n'ya ring palabasin sa bag ang manipis na sinulid. Ilang yarda rin bago n'ya pinahinto ang pagpapalabas ng sinulid sa bag. Pinahinto n'ya 'yon sa tapat ng kanyang ulo.

Makaraang patigilin ang pagladlad ng sinulid, sinimulan n'ya naman ang pagamit ng Strand of imprisonment.

Ang hindi kapansin-pansing sinulid kanina ay marahang nabalot ng nagliliwanag na mana. Gawa 'yon ng matinding konsentrasyon ng mana sa sinulid dulot ng pagmanipula sa mana.

Pumapatak ang gamunggong pawis sa noo ni Clyde. Matulin man n'yang naisakatuparan ang pagamit ng 2 skills sa unang pagkakataon, hindi 'yon naging madali.

Matinding mental stress ang kasalukuyan n'yang dinaranas dahil sa paggamit ng dalawang skills ng sabay.

Matapos ma-setup ang kanyang atake, ibinaling n'yang muli ang tingin sa mga kalaban.

Huminto 'yon sa higanteng kalabang panghimpapawid, ang Pteranodon.

Napawi ang ngiti sa labi ni Clyde at naging sobrang seryoso ang mukha ng hunter.

"Maria! Atakihin mo ang Pteranodon na 'yan!" Sigaw na utos n'ya sa diwata.

Napalingon sa kanya ang magandang diwata. Napatagilid ang ulo nitong tumitig kay Clyde.

Hindi man klarong nakikita ni Clyde ang mukha ng diwata, sapat na ang aksyong 'yon para may mapagtanto.

Malaki ang posibilidad na hindi n'ya alam kung ano ang Pteranodon.

"Iyang higanteng ibon sa himpapawid ang tinutukoy ko, Maria!" Pasigaw na paglilinaw ng hunter.

"A!" Si Maria.

Daglian itong bumaling sa higanteng ibong pinaaatake ng kanyang tagapagligtas.

"Masusunod!" Sigaw ni Maria.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon