Sino Nga Ba Ako?

935 21 11
                                    



Gabi noon, habang kinakalikot ko ang aking wattpad account sa kadahilanang inaayos ko ang mga lumang istorya na hindi na napapansin, bigla na lamang may nag-notify sa inbox ko. Dahil sa kuryosidad kung sino ang taong nagpadala ng mensahe ay agad ko iyong tiningnan. 

"Oh? Ano kaya 'to?" bulong ko sa sarili nang mabasa ko ang Hilakbot TV. Nang mga sandaling iyon, mabagal ang wifi connection kung kaya't hindi ko pa makita ang laman ng mensahe.

Pero, ilang sandali pa, bumungad na ang content ng mensahe at saka ko na binasa.

Binasa raw nila ang ilan sa mga gawa kong Pinoy Horror Stories. May compilation kasi ako ng mga kwentong katatakutan. Natipuhan daw nila ang isa sa mga kwentong ginawa ko na pinamagatang Loakan Road. Kinukuha nila ang pag-sang-ayon ko kung maaari ba nila itong isaboses sa kanilang Youtube Channel. 

Dahil sa first time lang na mayroong nag-invite sa akin na gano'n, at natuwa ako dahil may mga youtube channel pala talagang kagaya nila, agad akong pumayag. Noong una'y nahihiya pa nga sila dahil hindi raw nila ako mabibigyan ng karampatang kabayaran dahil nga sa maliit pa lamang ang kanilang channel. Pero ang sabi ko naman, walang problema sa 'kin. Ang gusto ko lang ay marinig ang kwento ko gamit ang boses ng kanilang programa. At isa pa, gusto ko rin namang suportahan ang Pinoy Horror Stories, nais kong maging isa sa haligi sa pagpapatibay nito sa bansa kung kaya't, taos puso kong tinanggap ang kanilang offer.

Makalipas ang ilang araw matapos kong ipasa ang copy ng Loakan Road na isasama nila sa pagre-record, nanood ako ng iba sa kanilang mga na-published na sa Youtube.

Magaganda ang gawa nila, talagang nakakapanghilakbot. Napakinggan ko na ang Possessed Doll ng Naic Cavite, Ang Habilin, Retreat House sa Quezon City, Wendigo Psychosis, Stalker, Reyna Elena at iba pa. Pero nitong nakaraan lang, naisipan ko ulit na makinig ng isa sa mga tinatampok nila. Ala-una na yata ng madaling araw no'n, pagkagaling ko kasi sa rooftop, naisipan kong maghanap kung may bago nga ba sila. At meron nga akong nakita, ang pamagat ay, Ang Itim Na Rebulto na isinulat ni Daryl Morales o mas kilala sa pangalang DravenBlack

Unang parte pa lang, talagang naramdaman ko na iyong hiwaga, nakatulong ang mala-mistorysong boses ng narrator na si Red para mas dumaloy sa sistema ko ang nais ipabatid ng kwento. Sabi sa kwento, may isa raw itim na rebulto ang pumapatay, at kapag ginagawa niya ito ay lalo raw itong lumalaki. 

Sa kalagitnaan ng panonood, kahit may hilakbot sa dibdib ay naisipan ko nang matulog. Baka kasi hindi ako makatulog, mahirap na, marami pa naman akong gagawin kinabukasan. Humiga ako sa higaan ko't nakatingin sa kisame. Hindi ko sinara ang laptop, ugali ko kasing hayaan lang iyon, ni hindi ko nga rin sinara ang youtube. Naka-pause lang iyon, sa pagkakatanda ko, malapit nang matapos ang pinapakinggan ko kung hindi lang ako nagpasyang matulog na. 

May ilang minuto na rin akong nakapikit na pilit kinukuha ang antok. Pero nahihirapan talaga ako. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko muna ang smart phone ko at naisipang magbukas ng facebook account. Pagdampot ko sa ulunan ko kung saan iyon nakalagay. . .

"Alam mo ba, kapag namatay raw ang mahal nila sa buhay, may ginagawa raw silang ritwal."

Narinig kong sabi ng narrator na si Red, binigkas niya ang linyang nagmula roon sa kwento. 

Ang ipinagtataka ko lang, naka-pause iyon, paano. . .

Sa pagkalito, bumangon ako at nagpunta sa harapan ng laptop na nakapatong sa lamesa. Noong una'y ipinagpalagay kong nagha-hang na naman ang laptop dahil madalas naman iyong gano'n, sa dami ba namang nakalagay na kung ano-anong app e, kung ano-ano kasing nilalagay ng pamangkin kong si Ikay kaya gano'n. 

Ang Amoy Ng KandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon