Meet Up

264 9 0
                                    

Online Friend
Mag-iisang oras na yata akong nakatitig sa mga damit na pinagpipilian kong suotin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapagpasya kung ano ba sa mga ito ang susuotin ko sa lakad ko mamaya.

Linggo ngayon, perpektong araw para makipagkita sa isang kaibigan na nakilala ko lang sa social media. Siya si Helena.

Mag-iisang taon na kaming magkakilala. Pero kahit kailan ay hindi pa kami nagkikita. Nagkakilala lang kami sa isang group ng mga taong may depresyon. Naging magkaibigan kami. Lagi kaming nagtsa-chat, dumating na nga sa puntong nagtetelebabad na kami sa phone. Kadalasan, nag-uusap kami sa gabi, dakong alas-onse hanggang ala-una ng madaling araw.

Kaya nga lang, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin pinapakita ang mukha niya sa akin. Nahihiya raw kasi siya sa akin, dahil aniya, hindi naman daw siya maganda.

"Dan, baka hindi mo magustuhan ang mukha ko kapag nakita mo ko."

'Yan ang sinabi niya noon sa akin. Hindi ko naman siya pinipilit na ipakita ang mukha niya hangga't hindi pa siya kumportable.

"Kuya, Dan! Kakain na raw!" sigaw ng kapatid ko sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Susunod na!"

Bago tuluyang pumili ng susuotin, bumaba muna ako para kumain. Nang sa gayon ay mas madali na akong makapagpasya. Para kasing blangko ang utak ko ngayon, o kaya naman ay baka masyado lang akong kinakabahan dahil sa wakas, makikita ko na si Helena.

Alas-dos ng hapon, nakapili na rin ako. Simpleng pantalon na lang at kulay black na shirt na may tatak na mickey mouse. Magsasapatos na lang din ako ng kulay white.

Nang matapos akong maligo at makapagbihis, nagpaalam na rin ako kina Mama at Papa. Mag-aalas tres na nang umalis ako ng bahay.

Magtatagpo kami ni Helena sa isang playground na hindi naman kalayuan dito sa lugar namin. Isang sakay lang ng jeep at nandoon na rin ako.

Sakto kasing halos malapit lang din doon ang kinaroroonan ni Helena kaya doon namin napagkasunduan magkita.

Ilang minutong byahe lang, nakarating na ako sa tagpuan. Dahil linggo ngayon, inaasahan ko na talagang maraming tao ang narito ngayon. Pero, taliwas ang nadatnan ko.

Kakaunti lang ang mga tao. Hindi ko rin alam kung bakit.

Umupo na lang ako sa duyan na yari sa bakal na nakasabit sa kadena.

Dinuyan ko ang sarili ko habang pinanonood ang ilang bata na abalang naglalaro sa siso.

Para hindi mabagot, nagpadala na lang ako ng text kay Helena.

"Helena, nasaan ka na? Nandito na ako."

Ilang sandali lang, mabilis siyang nag-reply sa akin.

"Malapit na."

Napangiti ako. Kasabay nito ang paglakas ng kabog ng dibdib ko.

Mas lalo tuloy akong na-excite kung ano nga ba si Helena sa personal.

Muli, pinanood ko na lang ang mga bata. Pero, nang mapansin nila na nakatingin ako sa kanila, hindi ko alam kung bakit sila nag-alisan. Iyong mga tingin nila, parang hindi bata kung makatingin sa akin.

Naiwan akong mag-isa. Ang weird lang dahil hindi talaga ako sanay na hindi matao rito, samantalang linggo naman.

Mayamaya, naramdaman ko na lang na biglang humangin nang malamig. Wala namang senyales ng pag-ulan, pero, nadama ko talaga ang kakaibang lamig lalo na sa pisngi ko.

Dinukot ko na lang sa bulsa ko ang cell phone para tawagan sana si Helena nang biglang. . . naramdaman kong may nakatayo sa likuran ko. Dahil graba ang sahig, dinig ko ang footstep ng kung sino man iyon.

Ang Amoy Ng KandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon